Minor Basilica and National Shrine of St Lorenzo Ruiz ( Binondo Church) Metro Manila.

Minor Basilica and National Shrine of St. Lorenzo Ruiz 
(Binondo Manila)
 Nagkayayaan pumunta sa may part ng Metro Manila sa lugar ng Binondo. Nagrent na lang kami ng van sa pagpunta namin doon  Ang unang pinuntahan namin ay ang Minor Basilica and National Shrine of St Lorenzo Ruiz (Binondo Church). Unang beses ko pa lang pumunta sa may lugar ng Binondo at etong simbahan na eto. 

Dahil gusto kunan ng picture buong simbahan ay kailangan ko muna tumawid sa kabila. Mahihirapan ako makunan ng picture yung harapan ng simbahan kasi ang harap na ay daanan na ng sasakyan. Walang lugar sa hafrap pwede kunan ng picture para makunan ang buong simbahan kaya kailangan ko tumawid. Actually merong parang parke sa kabila kasi meron ding fountain.

Pagkatawid ko sa kabila doon ko na kinunan ng picture ang simbahan. Pagkatapos nun ay habang natawid ako nagtry ako kunan ng picture ang simbhan. Mukhang lumang simbahan na rin etong simbahan sa Binondo. Yung mga design kasi sa labas ng simbahan ayun yung mga design na lumang simbahan katulad doon sa simbahang luma sa may Batangas City. 
Nasa loob na at nauna  sa akin ang mga kasama ko dahil nagpicture pa ako sa may labas. Pagkatapos magpicture sa labas pumasok na rin ako. Sa may pagpasok ng entrace sa may kanan ay may tirikan ng kandila at hindi pa mismo loob ng simbahan at sa may kaliwa ay tintahan ng religious item. 

Sa bandang harapan nandoon pa mismo ang pasokan nug entrance. Dumaretsyo na rin ako doon papasok. Doon ko nakita ang mga naglalakihang mga painting. Kahit hindi ko na isearch kung lumang simbahan ba siya o hindi doon pa  lang pagkakita ng mga painting na malaki confirm na lumang simbahan na siya. Wala naman mga bagong gawang simbahan ngayon na may mga malalaking painting katulad neto. Laging ako na amaze kapag nakakakita ako ng mga ganyang mga malaking painting sa mga kisame ng simbahan kasi unang ginagawa pa lang ang mga ganyang dating simbahan ang tiyaga nila iguhit ang mga ganyang malaking painting tapos good thing na maintain pa rin ng mga taga simbahan ang pag-alaga ng katulad netong lumang simbahan.
May mga iba't ibang malalaking painting ang halos buong kisame. Hindin lang meron sa gitna meron din sa kalawa't kanan, mula halos may likod hangang sa may harap.





Doon dapat ako maglalakad sa may gitna papunta sa harap kaso lang may harang kayo doon na ako sa kabilang kaliawang gilid. Sa hindi kalayuan sa may altar nandoon na nakupo mga kasama ko na nauna pa pumasok sa akin kanina. Hindi na ako umupo kasama nila at dumaretsyo na ako sa harap para mapicturan naman ang harap ng altar. Sa may harap nandoon ang statwa ni St Lorenzo Ruiz. Nandoon sa gitna yung Santo. NiƱo. YUng kisame ng sa may altar ay parang nasa langit kasi may mga ulap at mga may mga nakaukit na mga tao.
Hindi marami ang mga tao sa loob ng simbahan dahil rin weekdays yun at walang misa. Sumunod na rin ang mga ibang kasama ko sa may bandang harap ng altar para magpapictur. Pagkatapos magpicture lumabas na rin kami pero bago kami tuluyang lumabas nagtirik muna ng kandila at tumingin sa may tindahan kung may makikitang gusto. Oo nga pa la nasa loob nga pa la ng China Town District ng Binondo. Kaya nga may chines na nakasulat doon may harapan din ng altar ng simbahan. 


Para sa mga ilang picture o video meron nga pa la ako sa social media ko na Facebook at Youtube at ang mga link:
Facebbook:

Youtube:



                                        Minor Basilica and National Shrine of St Lorenzo Ruiz 




Kung napasipag naman kayo matapos ninyo tingnan at panoodin ang mga picture at video ko sa facebook man o yuotube try ninyo naman tingnan at panoodin ang ibang picture at video sa parehong social media. Bahala na kayo kung ishare, like, comment o isubscribe ang aking mga post.



Maraming salamat muli sa pagbasa sa aking blog kung sino ka man na nagbasa ulit netong blog ko;
Ako Si Fedik na laging nagsasabi "Tingnan Ang NGiti Ng Kagandahan"
At muli Maframing salamat ulkit hangang sa muling susunod na blog ko
Paalam!!!  

Lihim Cafe Sto. Tomas Batangas

 Kumusta! sa lahat ng nagbabasa ng aking blog, Eto na ulit si Fedik for another blog.

Mula sa Monte Maria at sa paglakad sa Miracle Walk (Glass Walk) sa lugar ng Batangas City ay tumungo naman kami sa Lihim Cafe sa lugar naman ng Sto. Tomas Batangas.  Ay! hindi pa la! meron muna kami dinaanan sa somewhere sa lugar ng Lipa City Batangas kasi meron kami pinuntahan mga pari doon. Pagkatapos doon dumaretsyo na kami sa may Sto. Tomas.


Yung mga kasama ko ang mga nagyaya kumain doon. Wala akong idea kung ani itsura, kung malaki ba siya o maliit ang place, kung saang mismo ang lugar ng Batangas city. Pagdating namin doon ay pumasok ang van na sinasakyan namin sa may gate.

Bago nga pa la sa makapasok sa may gate meron na nakapaskil sa labas na pangalan ng Lihim Cafe sa may kabilang pader kaya malalaman na nasa loob ang cafe na iyon. 
Pagpasok ng ngate doon na makikita yung cafe. Kata na agad yung cafe kasi meron ding pangalan ng cafe sa may ibabaw neto. Medyo nag-assume ako na medyo malaki eto pero medyo maliit. Merong mga tent at ang nasa ilalim ay may mga lamesa at upuan at pwede rin sa may taas kaso lang mainit kasi walang silong doon pero meron ding mgam upuan at lamesa doon sa taas.
Dahil marami rin kami magkakasama doon na rin kami sa loob pumunta para doon kumain. Aircon sa loob at wala naman ding mga upuan at lamesa na pangmaramihan na tao sa labas at yun nga mainit din. Doon na kami puwesto sa isang sulok, kita naman sa picture. Kaunti lang din ang tao doon o yung costumer dahil nga siguro ay weekdays.

Lihim Cafe Menu
Nasa harap na namin ang menu nasa lamesa kaya kinuha na namin at tiningnan ang mga pagkain at drink na meron sila. Parang marami rin ang mga pagkain na nakalista sa menu nila, hindi parang baka sadyang marami. Merong mga picture na pagkain yung menu nila. Makita ko pa lang yung mga picture parang nakakarakam. Ang pinili naming pagkain ay salad, basta salad nakalimutan ko kung anong tawag sa salad na yun, nachos, mais con yelo. dalawang kalseng pizza sorry nakalimutan ko ulit anong klaseng pizza naman mga yun basta yung isa may dahon sa ibabaw tapos puros keso yata yung isang pizza, tapos meron pang mushroom soup yata yun, hindi ako nag order nun kaya nakitikim na lang ako hehe, ano pa uummm..... ahhh...! yun mga drinks haha nakalimutan ko ulit anong tawag doon sa drink na iniorder ko basta may dark mocha siya at icetea. Sorry talaga hindi ko nabanggit yung ano mga tawag doon sa ibang pagkain. Kumng gusto ninyo na lang makita ang menu ng Lihim Cafe Click ninyo na lang link sa may picture yung pangalan ay "Lihim Cafe Menu" nandoon yung mga picture sa Lihim Cafe kasama na yung menu at mga pagkain na iniorder namin. Mapapadpad kayo sa aking facebook picture ng Lihim Cafe.  Hindi ko ulit sasabihin kung masarap ba o hindi yung kanilang putahe. Kung makakapunta kayo puntahan ninyo para kayo na humusga kung masarap ba o hindi yung mga food at drinks nila.


Meron akong mga picture at video ng Lihim Cafe sa Facebook at youtube pili na lang kayo sa dalawang social media alin ang titingnan o papanoodin ninyo:

Facebook:

Youtube:











Pindutin ninyo na lang yung mga pangalan na nakalagay sa ilalim ng video at mapapadpad naman kayo sa may youtube video koNandoon na rin ang mga ibang video ko. Halos pareho lang yung post ko sa Youtube at Facebook ang kaibahan lang ay meron akong loner video sa Youtube at sa mga short video naman ay magkaiba lang yung sound sa facebook sa youtube kaya bahala na kayo ano bubuksan niyo.


At Muli Maraming Salamat! sa pagbasa ulit ng aking blog,
Ako Si Fedik Na l;aging nagsasabing "Tingnan Ang Ngiti Ng Kagandahan" 
At hanggang sa muling paggawa ko ng blog Paalam!!! 




Montemaria International Pilgrimage and Conference Center at Miracle Walk (Glass walk) Batangas City Batangas

 Kumusta! sa lahat ng nagbabasa ng aking blog. Ang blog na etyo ay tungkol sa pagpunta namin sa isang lugar sa may Batangas City. Magkatabi lang yung Monte Maria at yung Miracle walk kaya pwedeng magkasunod mo sila mapuntahan.


Montemaria International Pilgrimage and Conference Center & Miracle Walk (Glass walk) 

Mula sa Tagaytay City Cavite nagrent kami magkakaanak ng van para masakyan papunta sa Batangas City kung saan nandoon ang Montemaria International Pilgrimage and Conference Center at Miracle Walk (Glass walk). Hindi ko tanda ano oras kami umalis sa Tagaytay, basta maaga! Ayun nga maaga kami umalis para maaga rin makadating sa pupuntahan namin. 

Fast forwart na tayo. Ayun na nga nakarating na kami sa Batangas City at doon sa dinaanan namin kahit malayo pa ay kita na o matatanaw na yung Montemaria o yung malaking statwa ni Mama Mary. Si Mama Mary Ba yun? Correct me kung mali ako.  

 

Actually! doon pa lang may part ng startollway merong daan doon medyo natatanaw na yung Montemaria. Dahil medyo malapit lapit  na rin kami sa lugar, medyo unti unti na rin nakikita ang Mntemaria. Dati pa namin napupuntahan ang Montemaria. Dati meron siyang maliit na simbahan lamang ayun lang napupuntahan tapos sunod na punta ay yung ginagawa na yung mismong Monte maria, parang pagawa na dati noong sunod na punta namin. Pero yung simbahang maliit ay nasa kabilang side neto. Hindi ko lang napicturan at mukhang hindi na din masyado napupuntahan noong nagawa na yung mismong Montemaria at yung  Miracle Walk (Glass walk).


Montemaria International Pilgrimage and Conference Center 
Eto na siya angMontemaria International Pilgrimage and Conference Center. Gawang gawa na siya this time. Noong dumating kami wala masyadong tao, dahil siguro weekdays. Inikot lang kami ng van papuntang may entrance ng Montemaria tapos may parking sa mga gilid doon. Ayos lang ang weather kasi hindi maulan pero mainit. Kita naman sa picture halos walang ulap yung kalangitan, ibig sabihin mainit talaga.  




Dati unang pagpasok namin sa loob ng simbahan ng Montemaria ang design ng loob ay paikot at sa gitna yung altar, mali pa la ako kasi parang kalahating bilog ang loob ng lugar. Hindi ako marunong mag explain ano itsura ng lugar pero basta itsurang simbahan siya sa loob. Pumunta ako sa gitna merong ibang floor sa taas. Parang hanggang 3trd floor? hindi ko sure. 
 Pagpasok nga namin sa loob kaunti nga yung tao. Pero siguradong sobrang daming tao dito kapag weekends maslalo ng kung Lingo kung saan may mga misa. Nagdasal at nagpicturan lang din sa loob, sa may harap ng altar tapos lumabas na rin kami.


Bago kami tuluyang lumabas ng simbahan, nakita namin etong malaking statwa na eto. Si Mama Mry rin ba eto? Ilang picture picture lang dito tapos merong mga painting at ibang display doon sa loob na yun kung saan nagpicture din kami. Meron nga pa lang nagtitinda ng mga religious item sa loob ng Montemaria. Ayun pagkatapos namin magpicturan at makita mga display sa loob tuluyan na ka  lumabas ng simbahan.
Bago ituloy yung vlog eto nga pa la ang ilang picture at video na sa social media kong Facebook at youtube:

Facebook:

Youtube:







Noong lumabas na kami doon na rin kami nagpicture sa may labas, harapan nung simbahan kung saan doon na makikita yung malaking imahe ni Mama Mary. Pagkatapos ay pumunta na kami sa  Miracle Walk (Glass walk).
Naglakad lang kami papuntang Miracle Walk (Glass walk). Walking distance lang soiya kaya lang mainit pero ok na rin yun kasi kapag naulan baka hindi makakapaglakad sa Miracle Walk (Glass walk). May hagdan  doon sa mau gilid pababa at doon na kami dumaan papuntang Miracle Walk (Glass walk). Parang ilang step din ng hagdan bago makarating doon sa lugar. Pagdating namin doon hinanap namin yung entrance at pagpasok namin doon pa la ang bayaran sa may baba pa at bumaba na kami. Doon nga pa la sa piansokan naming floor merong mga bilihan doon kung ano-ano, basta kung ano-ano yung tinda.
Pagbaba namin nandoon na yung bayaran para makapaglakad sa Miracle Walk (Glass walk). Doon naman sa floor na yun bukod doon sa bayaran merong tindang pagkai, merong siomai at yung kanin na iba't ibang ulam na nakalagay sa microwavable, pwedeng kumain sa floor na yun. meron ding VR game, parang parachute yung isang laro at rollercoaster. Doon na tayo sa main attraction ng lugar ang Miracle Walk (Glass walk) pero bukod sa Miracle Walk (Glass walk) meron din silang Dream Maze at Mirror Deck. Doon lang kami sa  Miracle Walk (Glass walk) kasi ayun lang ang dinayo namin doon. Meron nga pa la ang discount an mga pwd at siƱor citizen. Yung presyo makikita ninyo naman sa picture.
Hindi na kami gumamit ng hagdan noong paakyat na kami kasi doon na kami sumakay ng elevator para hindi agad mapagod kapag kami ay naglakad na doon sa Miracle Walk (Glass walk). Basta lang ako nagpicture sa loob ng elevator at kahit paano nagkasya kami sa loob.
Paglabas namin ng elevator pagtingin sa kanan ay makikita sa hindi kalayuan ang Montemaria. Dati noong habang ginagawa pa yung Miracle Walk (Glass walk), akala ko doon siya ilalagay sa may tutok o mismong katabi ng Montemaria pero sa kabilang side pa la ng Montemaria kung saan masmalapit yung dagat at mismong bangin ang babaksakan. 

Bago kami maglakad sa mismong glass walk ay nag suot kami ng footsucks na makapal. Isusuot mo siya sa paa kahit habang nakasapatos. Bawal magdala ng boteng tubig, mga payong at iba pang pwedeng maibaksak na mabigat. Yung ibang kasama ko inubos agad yung dalang tubig, wala rin kaming dalang payong kasi iniwan namin doon sa isang naiwan sa baba kasi takot sa mataas.

Moment of truth haha! Isa-isa na kami naglakad sa glass walk. First step ayun na kita na yung hulugan kasi transparent ang aapakang sahig. Yung iba sa amin takot, ako takot na hindi ha ha. 20 minutes hanggang 30 minutes ang pwede maglakad lakad doon o ang pag-ikot. Actually na try namin ang gantong glass walk sa may Thailand pero mas nakakatakot eto kasi mas mahaba etong sa  Miracle Walk (Glass walk) kaysa sa Thailand na pa rectangle lang at hindi kalakihan. Kaya nasabi kong masnakakatakot ang Miracle Walk (Glass walk). pero parang masmataas sa Thailand kasi building yun.
Miracle Walk (Glass walk) 


Kaunti lang din ang mga tao doon Miracle Walk (Glass walk) kaya nakapaglakad kami ng maayos doon. Tpoas meron doong may  bayad din na pwede kang tumalon na banji jamping yata tawag doon o kaya merong doong tinatawag na rainbow bridge na tutulay ka dito ang tutulayan may colorful na tulay pero may hati yung pagitan pero syempre may harnes yun. Takot din naman ako sa mataas kaya hindi ko rin kaya yung mga ganung activity. Enjoy naman maglakadlakad doon kahit may halong takot. Nakikita rin kasi yung mga view ng mga dagat at bundok. Nagpicture picture din kami doon. Tapos doon sa dulo medyo nakakataakot na rin kasi parang walang suportang bakal pero pumunta pa rin kami sa may dulo para sulit yung bayad namin. ilang picture pa rin kami doon bago kami tuluyang bumalik kasi dulo talaga ang masmagandang view. Ang pagbalik ay sa kabilang side naman  kami dumaan at doon na rin ang exit. Buti na lang hindi na rin talaga umulan at kahit mainit naituloy namin ang paglalakad sa Miracle Walk (Glass walk).

Bago matapos etong blog na eto eto ang ilang picture at video sa social media kong Facebook at Youtube:

Facebook:

Youtube:




Maraming Salamat muli sa pagbabasa ng aking blog,
Ako Si Fedik laging nagsasabing "Tingnan Ang Ngiti Ng Kagandahan" 
At muli ay Maraming Salamat ulit hanggang sa muli ]ng Blog ko Paalam!!!

Highland's Crab Restaurant Alfonso Cavite






Nagkayayaan kumain sa labas ng luchat parang merong gusto kumain ng lutong crab. Naisipan nila nakumain sa lugar ng Alfonso Cavite dahil meron doong putaheng lutong crab. Ang pangalan ng kainan sa pinuntahan namin ay ang Highland's Crab Restaurant

Hindi naman ganung kalaki ang loob ng kainan at tama lang yung parking. Pagdating namin doon ay kaunti pa rin ang mga nakaing mga tao. Para sakin medyo natuwa ang sa place kasi kahit paano maganda yung loob. 
Doon kami umupo sa isang mahabang lamesa kasi marami rami kami. Habang naghihintay ng ibang kasama namin aytiningnan namin muna yung mga menu nila kung ano mga pagkain nila doon.





Tiningnan na namin yung anong pagkain sa menu nila. Sa tottally marami silang pagkain nakalagay sa menu bukod sa mga crab. Hindi ko na isa-isahin yung anong nasa menu, yung mga iniorder na lang nila ang sasabihin ko. Hindi na rin ako pumili ng aking kakainin kasi maramihan na rin ang mga iniorder  nilang pagkain.
Ang mga pagkain na iniorder nila ay ang sumusunod:
Tempura, chicharap,hipon. shanghai, bulalo at higit sa lahat ay ang crab na malaki. Ang alam ko meron pa silang iniorder na zago gulaman hindi ko lang napicturan at natikman at hindi ko na rin tanda ano pa  yung ibang drinks na iniorder pa nila. 

Bago nga pa la kami kumain nagsuot muna kami ng bib na naka provide na sa may table at merong nakaukit na itsurang crab at ang pangalan na Highland's Crab Restaurant. Tapos natuwa mga kasama komaslalo na si lolo dahilnakita yung pangcrack ng crab para sa sipit kasi parang yung pangpupok kapag nasa korte.  
 
Hindi pa rin ako magsasabi kung masarap ba yung pagkain o hindi. Dpende na lang sa magbabasa kung pupuntahan nila ba eto at kakain.  Nag-enjoy kami sa pagkain namin doon bukod sa pagkain, dahil kumakain kami buong family o magkakaanak na magkakasama kahit minsan lang magkayayaan. 

Meron pa rin ako ilang mga picture at video sa facebook at Youtube:

Facebook:
Picture:
Video:

Youtube:






Maraming salamat kung sino naman ang nagbasa ng aking blog at tinangnan mga ilang picture at mga video. 
Ako Si Fedik laging nagsasabi sa inyong " Tingnan Ang Ngiti Ng Kagandahan"
Hanggang sa muling paggawa ko ng blog at sa muli ay paalam. 

Leticia's II Diversion Batangas City Batangas Philippines

                  Leticia's II Diversion R. Tan Bldg, Diversion Road, Bolbok, Batangas City, 4200 Batangas https://maps.app.goo.gl/cpr9PYfRPij8Rk8t5

Ayun nga naghanap kami ng makakain ng luch sa may lugar ng Batangas City at doon kami nagdisisyon kumain sa  Leticia's II Pancinteria kasi gusto na rin namin tikman ang mga putahe doon at lalo na yung pancit. ang mismong lokasyon ng kainan ay R. Tan Bldg, Diversion Road, Bolbok, Batangas City, 4200 Batangas. 

 

Maliit lang yung place kaya maliit lang din ang parking area at buti na lang ay may napagpark pa kami. Kaunti lang din pa yung mga tao doon sa loob kaya nakaupo na rin kami agad. 








Pagkaupo namin ay tiningnan na namin ang menu na binigay sa amin ng stuff doon. Tiningnan namin  ang mga pagkain at mga drink nasa menu at pumili na rin kami ng anong kakainin namin. Ang pipiliin ko sana ay yung chicken barbique nila kaso lang out of stuck na sila, kaya inihaw na liempo yata na lang ang pinili ko. Tapos ang ibang pinili ng kasama ko ay sisig, tortang talong,  pork barbique, chicken and fries, bumili rin kami ng chicharon na nakabalot at higit sa lahat ay yung pancit nila. Hindi na ako nagsasabi kung masarap ba yung ini order namin o hindi sa mga ganitong post. Para akin bahala na yung magbabasa kung pupunta ba sila sa pinuntahan naming etong inopost ko.  


Meron akong mga youtube video ng pagpunta namin sa Leticia's II Diversion:

Youtube:




May mga picture din ako sa facebook eto yung link:


Salamat sa pag basa ng blog ko,
Ako Si Fedik Nagsasabi "Tingnan Ang Ngiti Ng Kagandahan"
Hanggang sa muli.




Minor Basilica and National Shrine of St Lorenzo Ruiz ( Binondo Church) Metro Manila.

Minor Basilica and National Shrine of St. Lorenzo Ruiz  (Binondo Manila)  Nagkayayaan pumunta sa may part ng Metro Manila sa lugar ng Binond...