EARL JOHN SPECIAL CHICHARON Carcar Cebu

 Pag-alis namin sa Simala Church ay doon namin kami tumungo sa lugar kung saan may mga tindang chcharon at lechon baboy.

Ang Lungsod ng Carcar (Carcar City) ay isang makasaysayang lungsod sa katimugang bahagi ng probinsya ng Cebu (humigit-kumulang 40 kilometro mula sa Cebu City). Kilala ito bilang "Heritage City of Cebu" dahil sa mga napanatiling lumang arkitektura mula sa panahon ng Espanyol at Amerikano, pati na rin sa mayamang kultura at masasarap na pagkain. 


Doon kami dinala ng driver nag sinasakyan namin sa lugar ng Carcar Cebu. Doon kami sa driver nagtanong kung saan nga yung mga tindahan ng pasalubong na chicharon at lechon.
EARL JOHN SPECIAL CHICHARON 
Doon kami bumili ng chicharon kay Earl John Special Chicharon at dito rin kami tinuro ng driver bumili. Pagdating namin sa harap sa may bilihan, nakita na namin yung chicharon. Dalawang klase o flavor yung chicharon na tinda nila. 


Ang isa ay ordinary o plain chicharon at yung isa naman ay maanghang. Kita naman kung alin yung maanghang. Ayun nga pagdating namin sa harap ay pwedeng mag free taste at dahil nga free taste tinikman namin pareho. Bumili kami ng parehong flavor, yung maanghang at yung hindi maanghang. Ang iba sa amin nakain din kahit paano ng maanghang kaya bumili rin ng ganung flavor. 

Ang Earl John Special Chicharon ay isang kilalang bilihan ng malutong na chicharon at iba pang Cebu pasalubong na matatagpuan sa Carcar, Cebu.
"Ang chicharon ng Carcar, Cebu ay sikat dahil sa kakaibang lutong at malinamnam na lasa nito na niluluto sa tradisyonal na paraan—karaniwang pinapakuluan, binibilad sa araw, at piniprito sa malalaking kawali gamit ang kahoy na panggatong."
 
Pagkatapos bumili ng chicharon, nag explore muna kami sa lugar  at doon sa kabilang gilid ay meron kami nakitang nagtitinda ng prutas at isa sa binili ni lang prutas ay suha tapos may nakita kaming lechon baboy na tinitinda naman ng isang kainan doon at bumili rin kami.

"Ang Carcar lechon ay itinuturing ng marami bilang pinakamasarap na lechon sa buong Cebu. Kakaiba ito dahil sa sobrang malinamnam at mabangong karne na hindi na kailangan ng sarsa ng lechon (liver sauce), at ibinubuhos mismo ang sariling katas nito (drippings) pagkatapos tadtarin."

Wala lang ako mga picture nung Lechon at lugar kung nasaan yung lechon pero for more ng mga picture at video na rin ng binilhan namin ng chicharon pindutin na lang yung mga link sa baba mula sa Facebook at youtube.

Facebook:


Youtube:







Maraming Maraming Salamat!!!
Sa lahat ng nagbasa sa blog na eto.
Ako Si Fedik Na laging nagsasabing 
"Tingnan ang Ngiti Ng kagandahan"
At sa susunod na Blog ko,
Maraming salamat ulit!!!

Walang komento:

EARL JOHN SPECIAL CHICHARON Carcar Cebu

 Pag-alis namin sa Simala Church ay doon namin kami tumungo sa lugar kung saan may mga tindang chcharon at lechon baboy. Ang Lungsod ng Carc...