Montemaria International Pilgrimage and Conference Center at Miracle Walk (Glass walk) Batangas City Batangas

 Kumusta! sa lahat ng nagbabasa ng aking blog. Ang blog na etyo ay tungkol sa pagpunta namin sa isang lugar sa may Batangas City. Magkatabi lang yung Monte Maria at yung Miracle walk kaya pwedeng magkasunod mo sila mapuntahan.


Montemaria International Pilgrimage and Conference Center & Miracle Walk (Glass walk) 

Mula sa Tagaytay City Cavite nagrent kami magkakaanak ng van para masakyan papunta sa Batangas City kung saan nandoon ang Montemaria International Pilgrimage and Conference Center at Miracle Walk (Glass walk). Hindi ko tanda ano oras kami umalis sa Tagaytay, basta maaga! Ayun nga maaga kami umalis para maaga rin makadating sa pupuntahan namin. 

Fast forwart na tayo. Ayun na nga nakarating na kami sa Batangas City at doon sa dinaanan namin kahit malayo pa ay kita na o matatanaw na yung Montemaria o yung malaking statwa ni Mama Mary. Si Mama Mary Ba yun? Correct me kung mali ako.  

 

Actually! doon pa lang may part ng startollway merong daan doon medyo natatanaw na yung Montemaria. Dahil medyo malapit lapit  na rin kami sa lugar, medyo unti unti na rin nakikita ang Mntemaria. Dati pa namin napupuntahan ang Montemaria. Dati meron siyang maliit na simbahan lamang ayun lang napupuntahan tapos sunod na punta ay yung ginagawa na yung mismong Monte maria, parang pagawa na dati noong sunod na punta namin. Pero yung simbahang maliit ay nasa kabilang side neto. Hindi ko lang napicturan at mukhang hindi na din masyado napupuntahan noong nagawa na yung mismong Montemaria at yung  Miracle Walk (Glass walk).


Montemaria International Pilgrimage and Conference Center 
Eto na siya angMontemaria International Pilgrimage and Conference Center. Gawang gawa na siya this time. Noong dumating kami wala masyadong tao, dahil siguro weekdays. Inikot lang kami ng van papuntang may entrance ng Montemaria tapos may parking sa mga gilid doon. Ayos lang ang weather kasi hindi maulan pero mainit. Kita naman sa picture halos walang ulap yung kalangitan, ibig sabihin mainit talaga.  




Dati unang pagpasok namin sa loob ng simbahan ng Montemaria ang design ng loob ay paikot at sa gitna yung altar, mali pa la ako kasi parang kalahating bilog ang loob ng lugar. Hindi ako marunong mag explain ano itsura ng lugar pero basta itsurang simbahan siya sa loob. Pumunta ako sa gitna merong ibang floor sa taas. Parang hanggang 3trd floor? hindi ko sure. 
 Pagpasok nga namin sa loob kaunti nga yung tao. Pero siguradong sobrang daming tao dito kapag weekends maslalo ng kung Lingo kung saan may mga misa. Nagdasal at nagpicturan lang din sa loob, sa may harap ng altar tapos lumabas na rin kami.


Bago kami tuluyang lumabas ng simbahan, nakita namin etong malaking statwa na eto. Si Mama Mry rin ba eto? Ilang picture picture lang dito tapos merong mga painting at ibang display doon sa loob na yun kung saan nagpicture din kami. Meron nga pa lang nagtitinda ng mga religious item sa loob ng Montemaria. Ayun pagkatapos namin magpicturan at makita mga display sa loob tuluyan na ka  lumabas ng simbahan.
Bago ituloy yung vlog eto nga pa la ang ilang picture at video na sa social media kong Facebook at youtube:

Facebook:

Youtube:







Noong lumabas na kami doon na rin kami nagpicture sa may labas, harapan nung simbahan kung saan doon na makikita yung malaking imahe ni Mama Mary. Pagkatapos ay pumunta na kami sa  Miracle Walk (Glass walk).
Naglakad lang kami papuntang Miracle Walk (Glass walk). Walking distance lang soiya kaya lang mainit pero ok na rin yun kasi kapag naulan baka hindi makakapaglakad sa Miracle Walk (Glass walk). May hagdan  doon sa mau gilid pababa at doon na kami dumaan papuntang Miracle Walk (Glass walk). Parang ilang step din ng hagdan bago makarating doon sa lugar. Pagdating namin doon hinanap namin yung entrance at pagpasok namin doon pa la ang bayaran sa may baba pa at bumaba na kami. Doon nga pa la sa piansokan naming floor merong mga bilihan doon kung ano-ano, basta kung ano-ano yung tinda.
Pagbaba namin nandoon na yung bayaran para makapaglakad sa Miracle Walk (Glass walk). Doon naman sa floor na yun bukod doon sa bayaran merong tindang pagkai, merong siomai at yung kanin na iba't ibang ulam na nakalagay sa microwavable, pwedeng kumain sa floor na yun. meron ding VR game, parang parachute yung isang laro at rollercoaster. Doon na tayo sa main attraction ng lugar ang Miracle Walk (Glass walk) pero bukod sa Miracle Walk (Glass walk) meron din silang Dream Maze at Mirror Deck. Doon lang kami sa  Miracle Walk (Glass walk) kasi ayun lang ang dinayo namin doon. Meron nga pa la ang discount an mga pwd at siƱor citizen. Yung presyo makikita ninyo naman sa picture.
Hindi na kami gumamit ng hagdan noong paakyat na kami kasi doon na kami sumakay ng elevator para hindi agad mapagod kapag kami ay naglakad na doon sa Miracle Walk (Glass walk). Basta lang ako nagpicture sa loob ng elevator at kahit paano nagkasya kami sa loob.
Paglabas namin ng elevator pagtingin sa kanan ay makikita sa hindi kalayuan ang Montemaria. Dati noong habang ginagawa pa yung Miracle Walk (Glass walk), akala ko doon siya ilalagay sa may tutok o mismong katabi ng Montemaria pero sa kabilang side pa la ng Montemaria kung saan masmalapit yung dagat at mismong bangin ang babaksakan. 

Bago kami maglakad sa mismong glass walk ay nag suot kami ng footsucks na makapal. Isusuot mo siya sa paa kahit habang nakasapatos. Bawal magdala ng boteng tubig, mga payong at iba pang pwedeng maibaksak na mabigat. Yung ibang kasama ko inubos agad yung dalang tubig, wala rin kaming dalang payong kasi iniwan namin doon sa isang naiwan sa baba kasi takot sa mataas.

Moment of truth haha! Isa-isa na kami naglakad sa glass walk. First step ayun na kita na yung hulugan kasi transparent ang aapakang sahig. Yung iba sa amin takot, ako takot na hindi ha ha. 20 minutes hanggang 30 minutes ang pwede maglakad lakad doon o ang pag-ikot. Actually na try namin ang gantong glass walk sa may Thailand pero mas nakakatakot eto kasi mas mahaba etong sa  Miracle Walk (Glass walk) kaysa sa Thailand na pa rectangle lang at hindi kalakihan. Kaya nasabi kong masnakakatakot ang Miracle Walk (Glass walk). pero parang masmataas sa Thailand kasi building yun.
Miracle Walk (Glass walk) 


Kaunti lang din ang mga tao doon Miracle Walk (Glass walk) kaya nakapaglakad kami ng maayos doon. Tpoas meron doong may  bayad din na pwede kang tumalon na banji jamping yata tawag doon o kaya merong doong tinatawag na rainbow bridge na tutulay ka dito ang tutulayan may colorful na tulay pero may hati yung pagitan pero syempre may harnes yun. Takot din naman ako sa mataas kaya hindi ko rin kaya yung mga ganung activity. Enjoy naman maglakadlakad doon kahit may halong takot. Nakikita rin kasi yung mga view ng mga dagat at bundok. Nagpicture picture din kami doon. Tapos doon sa dulo medyo nakakataakot na rin kasi parang walang suportang bakal pero pumunta pa rin kami sa may dulo para sulit yung bayad namin. ilang picture pa rin kami doon bago kami tuluyang bumalik kasi dulo talaga ang masmagandang view. Ang pagbalik ay sa kabilang side naman  kami dumaan at doon na rin ang exit. Buti na lang hindi na rin talaga umulan at kahit mainit naituloy namin ang paglalakad sa Miracle Walk (Glass walk).

Bago matapos etong blog na eto eto ang ilang picture at video sa social media kong Facebook at Youtube:

Facebook:

Youtube:




Maraming Salamat muli sa pagbabasa ng aking blog,
Ako Si Fedik laging nagsasabing "Tingnan Ang Ngiti Ng Kagandahan" 
At muli ay Maraming Salamat ulit hanggang sa muli ]ng Blog ko Paalam!!!

Walang komento:

Minor Basilica and National Shrine of St Lorenzo Ruiz ( Binondo Church) Metro Manila.

Minor Basilica and National Shrine of St. Lorenzo Ruiz  (Binondo Manila)  Nagkayayaan pumunta sa may part ng Metro Manila sa lugar ng Binond...