Hi!
Ako Si Fedik!
Eto ang aking blog! Eto ang aking topics!
Ang nilalaman ng aking blog ay pwedeng tunkol sa mga lugar na pinupuntahan namin/ko, mga kainan o pagkain, mga pasyalan o kung anong maisipang pwede iblog.
Lihim Cafe Sto. Tomas Batangas
Kumusta! sa lahat ng nagbabasa ng aking blog, Eto na ulit si Fedik for another blog.
Mula sa Monte Maria at sa paglakad sa Miracle Walk (Glass Walk) sa lugar ng Batangas City ay tumungo naman kami sa Lihim Cafe sa lugar naman ng Sto. Tomas Batangas. Ay! hindi pa la! meron muna kami dinaanan sa somewhere sa lugar ng Lipa City Batangas kasi meron kami pinuntahan mga pari doon. Pagkatapos doon dumaretsyo na kami sa may Sto. Tomas.
Yung mga kasama ko ang mga nagyaya kumain doon. Wala akong idea kung ani itsura, kung malaki ba siya o maliit ang place, kung saang mismo ang lugar ng Batangas city. Pagdating namin doon ay pumasok ang van na sinasakyan namin sa may gate.
Bago nga pa la sa makapasok sa may gate meron na nakapaskil sa labas na pangalan ng Lihim Cafe sa may kabilang pader kaya malalaman na nasa loob ang cafe na iyon.
Pagpasok ng ngate doon na makikita yung cafe. Kata na agad yung cafe kasi meron ding pangalan ng cafe sa may ibabaw neto. Medyo nag-assume ako na medyo malaki eto pero medyo maliit. Merong mga tent at ang nasa ilalim ay may mga lamesa at upuan at pwede rin sa may taas kaso lang mainit kasi walang silong doon pero meron ding mgam upuan at lamesa doon sa taas.
Dahil marami rin kami magkakasama doon na rin kami sa loob pumunta para doon kumain. Aircon sa loob at wala naman ding mga upuan at lamesa na pangmaramihan na tao sa labas at yun nga mainit din. Doon na kami puwesto sa isang sulok, kita naman sa picture. Kaunti lang din ang tao doon o yung costumer dahil nga siguro ay weekdays.
Nasa harap na namin ang menu nasa lamesa kaya kinuha na namin at tiningnan ang mga pagkain at drink na meron sila. Parang marami rin ang mga pagkain na nakalista sa menu nila, hindi parang baka sadyang marami. Merong mga picture na pagkain yung menu nila. Makita ko pa lang yung mga picture parang nakakarakam. Ang pinili naming pagkain ay salad, basta salad nakalimutan ko kung anong tawag sa salad na yun, nachos, mais con yelo. dalawang kalseng pizza sorry nakalimutan ko ulit anong klaseng pizza naman mga yun basta yung isa may dahon sa ibabaw tapos puros keso yata yung isang pizza, tapos meron pang mushroom soup yata yun, hindi ako nag order nun kaya nakitikim na lang ako hehe, ano pa uummm..... ahhh...! yun mga drinks haha nakalimutan ko ulit anong tawag doon sa drink na iniorder ko basta may dark mocha siya at icetea. Sorry talaga hindi ko nabanggit yung ano mga tawag doon sa ibang pagkain. Kumng gusto ninyo na lang makita ang menu ng Lihim Cafe Click ninyo na lang link sa may picture yung pangalan ay "Lihim Cafe Menu" nandoon yung mga picture sa Lihim Cafe kasama na yung menu at mga pagkain na iniorder namin. Mapapadpad kayo sa aking facebook picture ng Lihim Cafe. Hindi ko ulit sasabihin kung masarap ba o hindi yung kanilang putahe. Kung makakapunta kayo puntahan ninyo para kayo na humusga kung masarap ba o hindi yung mga food at drinks nila.
Meron akong mga picture at video ng Lihim Cafe sa Facebook at youtube pili na lang kayo sa dalawang social media alin ang titingnan o papanoodin ninyo:
Pindutin ninyo na lang yung mga pangalan na nakalagay sa ilalim ng video at mapapadpad naman kayo sa may youtube video koNandoon na rin ang mga ibang video ko. Halos pareho lang yung post ko sa Youtube at Facebook ang kaibahan lang ay meron akong loner video sa Youtube at sa mga short video naman ay magkaiba lang yung sound sa facebook sa youtube kaya bahala na kayo ano bubuksan niyo.
At Muli Maraming Salamat! sa pagbasa ulit ng aking blog,
Ako Si Fedik Na l;aging nagsasabing "Tingnan Ang Ngiti Ng Kagandahan"
At hanggang sa muling paggawa ko ng blog Paalam!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento