Minor Basilica and National Shrine of St Lorenzo Ruiz ( Binondo Church) Metro Manila.

Minor Basilica and National Shrine of St. Lorenzo Ruiz 
(Binondo Manila)
 Nagkayayaan pumunta sa may part ng Metro Manila sa lugar ng Binondo. Nagrent na lang kami ng van sa pagpunta namin doon  Ang unang pinuntahan namin ay ang Minor Basilica and National Shrine of St Lorenzo Ruiz (Binondo Church). Unang beses ko pa lang pumunta sa may lugar ng Binondo at etong simbahan na eto. 

Dahil gusto kunan ng picture buong simbahan ay kailangan ko muna tumawid sa kabila. Mahihirapan ako makunan ng picture yung harapan ng simbahan kasi ang harap na ay daanan na ng sasakyan. Walang lugar sa hafrap pwede kunan ng picture para makunan ang buong simbahan kaya kailangan ko tumawid. Actually merong parang parke sa kabila kasi meron ding fountain.

Pagkatawid ko sa kabila doon ko na kinunan ng picture ang simbahan. Pagkatapos nun ay habang natawid ako nagtry ako kunan ng picture ang simbhan. Mukhang lumang simbahan na rin etong simbahan sa Binondo. Yung mga design kasi sa labas ng simbahan ayun yung mga design na lumang simbahan katulad doon sa simbahang luma sa may Batangas City. 
Nasa loob na at nauna  sa akin ang mga kasama ko dahil nagpicture pa ako sa may labas. Pagkatapos magpicture sa labas pumasok na rin ako. Sa may pagpasok ng entrace sa may kanan ay may tirikan ng kandila at hindi pa mismo loob ng simbahan at sa may kaliwa ay tintahan ng religious item. 

Sa bandang harapan nandoon pa mismo ang pasokan nug entrance. Dumaretsyo na rin ako doon papasok. Doon ko nakita ang mga naglalakihang mga painting. Kahit hindi ko na isearch kung lumang simbahan ba siya o hindi doon pa  lang pagkakita ng mga painting na malaki confirm na lumang simbahan na siya. Wala naman mga bagong gawang simbahan ngayon na may mga malalaking painting katulad neto. Laging ako na amaze kapag nakakakita ako ng mga ganyang mga malaking painting sa mga kisame ng simbahan kasi unang ginagawa pa lang ang mga ganyang dating simbahan ang tiyaga nila iguhit ang mga ganyang malaking painting tapos good thing na maintain pa rin ng mga taga simbahan ang pag-alaga ng katulad netong lumang simbahan.
May mga iba't ibang malalaking painting ang halos buong kisame. Hindin lang meron sa gitna meron din sa kalawa't kanan, mula halos may likod hangang sa may harap.





Doon dapat ako maglalakad sa may gitna papunta sa harap kaso lang may harang kayo doon na ako sa kabilang kaliawang gilid. Sa hindi kalayuan sa may altar nandoon na nakupo mga kasama ko na nauna pa pumasok sa akin kanina. Hindi na ako umupo kasama nila at dumaretsyo na ako sa harap para mapicturan naman ang harap ng altar. Sa may harap nandoon ang statwa ni St Lorenzo Ruiz. Nandoon sa gitna yung Santo. NiƱo. YUng kisame ng sa may altar ay parang nasa langit kasi may mga ulap at mga may mga nakaukit na mga tao.
Hindi marami ang mga tao sa loob ng simbahan dahil rin weekdays yun at walang misa. Sumunod na rin ang mga ibang kasama ko sa may bandang harap ng altar para magpapictur. Pagkatapos magpicture lumabas na rin kami pero bago kami tuluyang lumabas nagtirik muna ng kandila at tumingin sa may tindahan kung may makikitang gusto. Oo nga pa la nasa loob nga pa la ng China Town District ng Binondo. Kaya nga may chines na nakasulat doon may harapan din ng altar ng simbahan. 


Para sa mga ilang picture o video meron nga pa la ako sa social media ko na Facebook at Youtube at ang mga link:
Facebbook:

Youtube:



                                        Minor Basilica and National Shrine of St Lorenzo Ruiz 




Kung napasipag naman kayo matapos ninyo tingnan at panoodin ang mga picture at video ko sa facebook man o yuotube try ninyo naman tingnan at panoodin ang ibang picture at video sa parehong social media. Bahala na kayo kung ishare, like, comment o isubscribe ang aking mga post.



Maraming salamat muli sa pagbasa sa aking blog kung sino ka man na nagbasa ulit netong blog ko;
Ako Si Fedik na laging nagsasabi "Tingnan Ang NGiti Ng Kagandahan"
At muli Maframing salamat ulkit hangang sa muling susunod na blog ko
Paalam!!!  

Walang komento:

Minor Basilica and National Shrine of St Lorenzo Ruiz ( Binondo Church) Metro Manila.

Minor Basilica and National Shrine of St. Lorenzo Ruiz  (Binondo Manila)  Nagkayayaan pumunta sa may part ng Metro Manila sa lugar ng Binond...