Welcome to Cebu!!!

Welcome to Cebu ang naging pamagat ng blog na eto. Eto yung pagbyahe namin mula Manila, pagsakay ng eroplano papuntang Cebu.

Mactan-Cebu International Airport

Gumising na kami ng maaga nagsiligo, nagbihis at hinintay na namin yung van na ini rent namin upang ihatid kami Airport.  
Pagdating ng van lumabas na kami ng bahay at sumakay na kami ng sa sasakyan kasama mga bagahe namin. Noong kompleto na kami sa loob ng sasakyan umalis na kami. Habang nasa byahe kami hindi ko sure kung nakatulog ako nun


Parang 4 ng umaga kami dumating sa airport, sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport). Maaga kami dumating sa Airport. Binaba na kami ng sasakyan sa may harap ng airpor, binaba na yung mga bagahe namin tapos dumaretsyo na kami sa may entrannce ng airport. Pumasok na rin kami sa entrance ng airport. 
Bago kami nakapunta sa may check in ng bagahe ay pumila na muna kami kasi merong ibang nauna sa amin na nakapila na rin. Hindi na rin kami masyadong nagtagal sa pila at naicheck in na namin ang aming bagahe at nakuha na mga boarding ticket namin. 

Syempre doon nagtagal sa paglagay ng mga gamit sa may xray machine at metal detector para satao? basta alam n ninyo namin kung kayo ay nagbyahe pasakay ng eroplano tapos ay hinanap o pumunta na kami sa boarding gate. 
Hinanap at pinuntahan na namin ang aming boarding gate noong nakapunta na kami at umupo na kami maya maya pa ay nag-announce ng lilipat daw kami ng boarding gate kaya nagpunta na rin kami sa kabilang boarding gate. Actually naghintay pa kami ng matagal kasi na daleyed yung flight namin.
Sa tagal na paghintay at sa wakas ay ready na sa pagboarding. Ang alam ko mga 4 kami dumating sa may airport pero mga 6 na ng umaga kami nagboarding.
Handa na para sumakay sa eroplano. Dahil mga siñor citizen mga kasama halos nauna rin kami sa pila, ay! hindi pa la tottally una may nauna pa la sa amin pero dahil pinapauna ang mga siñor, buntis, may kasamang mga bata at pwd, isa na kami doon nakasabay mauna sa pila. Ready na ang boarding pass at ID para ipakita doon sa crew at ready to go sa pagsakay ng erplano. 

At sa wakas ay nandoon na kami sa loob ng eroplano at doon na namin hinanap ang aming boarding sit o yung pwesto ng upuan namin sa eroplano, kung anong nakalagay sa boarding ticket ayun ang susundin. Nakita na namin yung saan kami uupo at doon ang pwesto ko sa may window seat. Sa totoo lang yung isang kasama ko ang uupo doon kaso lang ayaw niya doon kaya ako na lang sa window seat at doon ko rin naman gusto pumuwesto kasi mahilig ako tumingin ng mga video sa labas ng sasakyan. 
Ang sinakyan nga pa la naming eroplano ay Cebu Pacific. Nasa bandang ginta parte kami ng eroplano nakaupo at magkakasunod kami ng upuan, hindi makaklayo. Masarap sana ang upo ng mga pasehero ngunit noong pag upo namin naramdaman na namin medyo mainit sa loob ng eroplano kaya yung ibang pasahero ay naglabas na lang ng sariling portable electrifan. 
Hindi rin nagtagal ay nagtake off na rin ang eroplanong sinasakyan namin. Medyo hindi na ganung mainit nung nasa taas na yung eroplanong  pero sa pwesto ko pero hindi ko alam sa ibang part ng eroplano. Isang best na view nakikita ko kapag nasa himpapawid na yung eroplano ay mga ulap. Atig nila tingnan. Isa pang gusto ay yung pagtake off, yung unti-unting naakyat yung eroplano at kitang kita na ang paakyat palayo sa kalupaan hanggang yung baba ay parang mga maliliit na langgam.
Hindi ko tanda kung ilang oras ang byahe ng eropolano mula Manila hanggang Cebu, basta! Kahit paano nakatulog na rin ako pero parang unting tulog lang. Halata kapag malapit yung eroplanong sinasakyan ay malapit na sa destinasyon niya mas pansin ko kapag sumilip na sa bintana karagtan agad yung unang makikita bago ang lupain ng lugar na destinasyon.
Sumisilip talaga ako sa may bintana maslalo kapag malapit na. Natuwa ako tingnan yung nasa kanang picture yung mga bangka ewan ko hindi ko lang maexplaine. Yung nasa picture na yan talagang mababa na kami at handa na magtouch down yung eroplano .
Touch Down na sa Mactan- Cebu International airport. Bago magtouch down lagi ako naka silip sa may bintana at doon ko naman nakita ang unti unting paglapit pababa ang sinasakyan naming eroplano. Nakita ko rin ang ibang eroplano ddon sa may paliparan at pupunta na yung sinasakyan naming eroplano sa park at kung saan kami bababa. 


Naghintay muna kami at mga pasehero hanggang nagpark na yung eroplano. Pagpark ng eroplano ready na mga ibang pasehero bumaba at yung ibang nakatayo na aa nakuha na yung mga gamit nila at higit sa lahat ay nakapila na para makalabas ng eroplano. Kami naman hindi muna tumayo at hinintay na makalabas yung ibang pasehero. Noong lumuwag na tumayo na rin kami at sumunod na sa iabng pasaherong bumaba. 
Dumaretsyo na kami sa may pagkuha ng bagahe namin. Pagdating namin sa erea nandoon na rin ang ibang pasehero naghihintay ng bagahe nila. Kami rin ay naghintay na rin. 4 na maleta ang hinintay namin at isa isa na rin namin nakuha ang bawat maleta namin. Lumabas na rin kami sa erea kung saan kinuha yung mga maleta namin at sa paglabas doon ay makikita yung nakalagay doon ay welcome to Cebu! May mga nagpapapicture doon at kasama na kami. Pagkatapos magpapicture ay lumabas na rin kami ng airport at meron na naghihintay na masasakyan namin.








Sumakay na rin kami ng sasakyan at ready to pasyal na sa lugar ng Cebu. Yun!meron akong nakitang sign board na Welcome to Cebu at yung picture sa baba nakalagay yung dereksyon kung nasaan ang Cebu City. Ayun ang destinasyon na pupuntahan namin. 











Eto yung simula ng Blog ko tungkol sa pagpunta namin ng Cebu ngayong 2026. Parang pangatlong punta ko na sa Cebu na iba't ibang kasama. Abangan ninyo na lan yung bmga ibang sunod na blog tungkol nga dito sa Cebu, may susunod pa. May mga ibang video at picture ako sa ibang mga social media  lagay ko na lang yung mga link sa baba b ahala na kayo kung titingnan ninyo.

Facebook:


Youitube:











Salamat sa pagbasa ng aking blog at itutuloy ulit etong blog tungkol sa paghpunta sa Cebu.
At sa muli Ako Si Fedik Na laging nagdsasabi ng "Tingnan Lagi Ang Ngiti Ngkagandahan" Hanggang sa muling paggawa ng blog.
At muli Maraming Salamat Muli!!!


Itutuloy!!!:

Walang komento:

EARL JOHN SPECIAL CHICHARON Carcar Cebu

 Pag-alis namin sa Simala Church ay doon namin kami tumungo sa lugar kung saan may mga tindang chcharon at lechon baboy. Ang Lungsod ng Carc...