Simala Parish Church


Ang sunod na blog na eto ay ang pagpunta namin sa simbahan na ang pangalan ay Simala Parish Church. Kasi ang last blog ko sinulat ay tungkol sa pagdating namin sa Cebu mula sa Manila na sakay ng eroplano. Kung baga kadugtong lang netong Blog na eto ang last blog ko. 

Bago kami tumuloy sa unang simbahan o lugar na pupuntahan namin ay dumaretsyo muna kami sa hotel na titigilan namin para ihabilin muna ang mga bagehe namin pagkatapos nun ay naghanap muna kami ng makakainan ng breakfast. 


Marcelo Fernan Bridge
Pagkatapos na namin magbreaklfast ay ready na para pumunta sa unang destinasyon. Malayo rin ang unang pupuntahan namin. Dumaan nga pa la kami sa isang tulay at ang pangalan ng tulay na yun ay Marcelo Fernan Bridge.  Ang Marcelo Fernan Bridge (kilala rin sa lokal bilang Second Cebu–Mactan Bridge o Second Bridge). Isa itong extradosed cable-stayed bridge na tumatawid sa Mactan Channel at nag-uugnay sa Mandaue City (mainland Cebu) at Lapu-Lapu City (Mactan Island).


Hindi ko tanda kung nakatulog ako dito sa pagpunta sa may Simala church o hindi basta ang alam ko matagaltagal din ang byahe papunta doon. 
Pagdating sa may lugar doon na kami binaba sa may parking area na malapit lapit lang din sa may simbahan at kami ay maglalakad na lang papunta doon. Habang naglalakad kami papunta sa may gate kung saan yung entrance, may mga iba't ibang tindahan kami nadaanan. Ang daming tinda mga damit, religious item at mga iba pa. Pumasok na rin kami sa gate entrance pero sa pagpasok wala pa doon yung mismong simbahan. Kailangan pa maglakad papunta doon. Yung nasa picture nakalagay I Heart Mama Mary ayan unang nakita namin dito at kung pagmasdan mo yung sa likoran, nasa kabilang side pa yung simbahan.
Kailangan pa maglakad paikot at medyo malayo rin yung lakaran. Etong picture naman sa kaliwa ayan yung lalakartan. May pwede sa mga naka wheel chair ang isang side at sa kabila naman ay hagdan lang na maliit lang ang hakbang. Doon sa picture makikita yung parang tower na yun, dederetsyo sa ilalim ng tower na yun at may labasan sa kaliwa tapos lakad ulit deredretsyo papasok ulit sa parang tower ulit  tapos deretsyo tapos sa dulo kakaliwa na ulit at doon na makikita yung mismong simbahan. Hindi ganong karami ang mga tao npoong araw na yun dahil siguro weekdays noong pumunta kami. Actually second time na namin pumunta dito at yung last time at unang punta doon ay sobrang daming tao as in siksikan, araw yata yung ng Sabado kaya sobrang daming tao nun.


Simala Parish Church

Ang Simala Church (opisyal na tinatawag na Monastery of the Holy Eucharist o Simala Shrine) ay matatagpuan sa Barangay Lindogon, bayan ng Sibonga, Cebu, humigit-kumulang 55 kilometro timog ng Lungsod ng Cebu.

Pumasok na rin kami at kaunti lang din ang mga tao sa loob at sobrang tahimik kung sakaling mag- uusap mga tao bulong lang ang dapat. Hindi rin ganong kalakihan ang loob. Bukod sa harapan ng altar ay ang pinaka pumukaw sa akin ay mga paintaing na nakaukit sa may kisame ng simbahan. Dito ako lubos natutuwa kapag yung isang simbahan ay merong mga nakaukit na painting sa loob. Hindi naman ako artist at  hindi rin talaga fun ng painting pero minsan masarap din kasi tingnan ang mga eto.




















Sa labas naman ng simbahan ay meronng mga tindahan ng religious item din. Tapos meron doong  Mama Mary Halok kaso lang hindi na kami pumunta doon, papasok din yun sa loob pero may ibang taong pmupunta doon at napansin ko lang sa pagpasok doon ay kailangan yata ihubad ang mga sapatos. Sa labas pa rin nandoon naman yung tirikan ng kandila. Marami yung tirikan ng kandila sa may labas na makulay Doon rin yata bibili ng kandila sa mga tindahan doon kung magtitirik ng kandila. Noong bago pa kami umalis medyo umambon pa pero sagliot lang at tuluyang uminit na ulit.



















Pagkatapos gawin ang mga ginawa namin katulad ng pagdasal, magtirik ng kandila at may tiningnan sa mga tindahan at may binili umalis na rin kami at sa paglabas namin ay doon lakad ulit pabalik pero medyo madali na pagbalik kasi pababa na yung lakad. Eto yung unang simbahan na pinuntahan namin sa Cebu sa unang araw at mga tatlong simbahan pa kami napuntahan doon. Sa susunod na blog ko ipakita ang ibang sumbahan na napuntahan namin. Susunod na blog pagkatapos namin puntahan ang simbahan na eto, meron naman kami dinaanan na bilihan ng chicharo kasi naghahanap ang mga kasama ko ng chicharon. Siguro kunting pagsulat ko ng blog ko dito.

May mga picture at video sa ibang social media katulad ng Fecbook at Youtube 

Facebook:


Youtube:
















Labas Ng Simala Parish Church Cebu
o kaya search ninyo na lang na hashtag ko:
#akosifedik 
Diyan makikita yung iba't ibang post ko from picture to video, mga social media at content.


Maraming Salamat ulit sa pagabas ng aking Blog kung sino ka man.
Ako Si Fedik na laging nagsasabi "Tingnan Ang Ngiti Ng Kagandahan"
At muli Maraming Salamat hanggang sa susunod na blog. Bye!!! 

Walang komento:

EARL JOHN SPECIAL CHICHARON Carcar Cebu

 Pag-alis namin sa Simala Church ay doon namin kami tumungo sa lugar kung saan may mga tindang chcharon at lechon baboy. Ang Lungsod ng Carc...