Davao City- 4th and Last Day

 Eto na 4th at last day namin sa Davao. First thing in the morning nag-ayos na kami ng mga gamit at nag-impake. Wala kaming plano sa araw na iyon, Doon lang kami sa condominium.

Seawind Condominium

Pero yung ibang kasamahan namin parang umalis pa rin noong araw na iyon. Hindi ko lang tanda kung saan sila pumunta. Kasama ko sa kwarto yung isang pinsan namin, yung dalawa kong kapatid at si lolo namin.  Dahil naayos na namin ang mga gamit namin, noong mag 10 na nga umaga kailangan na namin lumipat ng kwarto. Dinala namin ang mga gamit namin sa kwarto ng mga kasama rin namin.



Pagkalagay namin ng gamit namin sa kwarto. Nagyaya ang ate ko pumunta sa may swimming pool. Lalangoy daw ang mga bata. Kaya nagbihis na pangpaligo ang mga bata. Kasama sa swimming ako, yung kambal ko , si ate namin at ang dalawang anak ni ate, yung pinsan  ko at yung isa pang kasama. Si ate ata ang anak niya at yung kambal ko ang maliligo. Ayoko kasi maligo. Dalawang swimmingpool  ang nandoon. doon kami pumunta medyong malaking swimming pool at mas maganda sa kabila. Pagdating sa swimming pool lumangoy na sila. Dahil tanghali na sila lumangoy ang init at sa lilum sila napumta. Doon sa may ilalim ng tulay sila napunta.
Maya-maya pa ay umahon na yung isang anak ng ate ko at ayaw na magswimming. Kaya ako na sumama na sa akin. Niayay ko na mag laro doon sa may isang playgroun. Kung saan malapit naman yung isang swimming pool. Pumunta na kami sa playground at naglaro na yung anak ng ate ko. Tapos nakita ng anak ng ate ko yung drawing at numbers sa sahig na pangpiko. Pumunta siya doon at nagtatalon talon na parang nagpipiko. Habang tinitingnan ko siya bigla meron ako nakitang mga kasamahan namin na may bitbit na pagkain na nakaplastic. Pupunta pa la sila sa kwarto na nilagyan namin ng gamit namin. Niyaya ko na ang anak ng ate ko at nakisabay sa mga kasamahan namin. Pagdating sa kwarto binanlawan ko na yung anak ng ate ko. Yung mga kasamahan namin naghain na para kumain. Marami kami sa loob ng kwarto. Ilang saglit pa dumating na rin sila atekasama ang isa pa niyang anak at  yung kambal ko. Sabay sabay na rin kami lahat kumain.


Pagkataposkumain, pahinga muna ng unti. Tapos dahil may oras pa nagyaya ako pumuntang SM. Sumama yung kamabal ko, yung pinsan ko at yung isa pa namin kasama. Nagpaalam na muna ako na aalis kami tapos ay umalis na rin kami. Paglabas naghintay na kami ng masasakyan na dadaan sa SM. Hindi rin nagtagal apghintay namin dahil may dumaang jeep at sumakay na kami. Sa totoo lang simula nagpandemic doon lang ulit ako nakasakay ng jeep. Pagbaba namin naghanap pa kami ng tawiran kasi kailangan pa namin tawirin yun SM. Doon na kami sa voerpass tumawid.
SM Lanang Premier ang tawag sa SM na pinuntahan namin. Ayan yung malapit na SM mula sa tinutuluyan naming condo. Yung isang SM ay ang SM Davao. Malayo-layo rin kasi yun. Mula sa pagbaba ng jeep hanggang sa pagpasok ng SM naglakad na kami.
Isang kagawian ko kapag napunta sa isang lugar. Ayun ay libutin ang buong lugar kung kakayanin o walng ibang kasamang kj maglakad. Pgpasok namin marami rin ang mga tao. Unang ginawa namin hinanap namin ang starbox kasi nagpapabili ang nanay ng mug na may tatak na davao City. Kaso lang wal silang tindang ganun. 
Nasa 2nd floor ang starbox na pinuntahan namin. Kaya doon kami nagsimula lumibot. Naglakadlakad kami hanggang napdpad kami sa papuntang sinehan. Bago sa sinehan may tinhan ng buko juice doon at ibalng flavor na juice. Bumili kami. Habang naghihintay kami ng tintimplang jiuce ako ay naglakad muna papaunta sa may sinehan kasi may napansin ako na nagpipivture doon. Pagdating doon meron pa la doong mga nakasuot ng Gardian Of Galaxy na costume. Kinuhanan ko lang sila ng litrato at bumalik na ako sa mga kasama ko at kinuha na yung binili namin.  
Tinuloy na namin ang paglalakad namin. Napadpad kami sa labasan ng SM pero nasa 2nd floor. May nakasulat doong Sky Garden Restaurant. Paglabas namin nakita namin may ibat ibang kainan na nakahelera, kaliwa't kanan. busok pa naamn kami kaya hindi rin kami kumain at hindi rin naman ako makapili ng kakainin ko. Nilibot namin yung labas tapos ay pumasok na rin kami. Pagpasok sa loob inkot naman namin ang kabilang gilid ng 2nd floor. Tumitigil ng unti kapag may titingnan sa isang tindahan doon. May nakita akong elevator piandisyonan ko sumakay doon papuntang pinaka baba ng SM yung under ground. Akala ko ako lang yung sasakay pero sumunod din pa la yung ibang kasmahan ko. Pagbaba sa pinaka baba ng SM kunti lang ang tao doon. Nilibot din namin ang baba nun. Hanggang makarating na kami sa may dulo. Walang labasan o pasukan doon sa pinaka baba ng SM. Kaya pagdating sa dulo naghanap na kami ng akyatan. Nakakita kami ng eskalator at sumakay na kami. Pagdating sa taas department store pa la yun. Nilibot din namin ang buong department store. 
Pagkalibot namin sa department store lumabas na rin kami. Paglabas namin doon kami lumabas sa unang pinasukan namin. Dumaretsyo kami sa gilid labasan din. Paglabas namin ay nakita namin ang letrang malaki ang sulat ay #DAVAO at may bulaklak na malaki sa likod. Ako at mga kasama ko ay nagpicture sa harapan.
Meron din doong malaking elepante at giraffe na statwa, nagpicture rin kami doon. Pagkatapos namin magpicture naglakadlad na kami sagilid lang at hindi na kami pumasok ng SM. Sumilip kami sa gilid ng pader. Doon sa may baba nakita namin yung malaking letra ang basa ay davao. 

Kaya naghanap kami ng babaan. Doon na kami nakababa sa may dulo. Eskalator ang binababaan namin. Pagbaba dumaretsyo na kami sa may letrang malaki. Pagdating namin naghintay muna kami dahil may napipicture sa may harap. Pagkatapos ay nagpicture na rin kami doon sa malaking letra ng Davao. Pagkatapos magpicture nagkayayaan na umalis. Sumakay na lang kami ng taxi kaysa magjeep ulit. Kasi para masmabilis na rin kami makarating sa condo.
Nakadating na kami sa condo. Pagbaba umakyat na kami. Pagdating sa kwarto nagsihigaan muna kami. Yung iba nagmamarites. Ako naman tumambay sa may balcony. Masarap tumambay doon. Nasa 8th floor ang kwarto na tinitigilan namin. Doon sa balcony kita sa taas kapag may nadaang eroplano. Sa niyon ay parking area.Tapos kita  mga ibang building. Naghihintay na lang kami ng oras ng pag-alis.


Oras na para umalis. Inayos na namin ang gamit. Iniisa-isa namin ibaba yung mga gamit sa baba ng condo. Sunod isa-isa na rin kami bumaba. Tinawag na rin ang van dahil lahat kami ay nasa baba na. Pagdatin ng van nagsisakayan na kami. Pagkasakay umalis na rin kami. Pmunta na kami sa Davao City Airport. 
Pagdating sa airport nagcheck-in na kami ng bagahe. Tapos umakyat na kami sa 2nd floor. Pagdatin sa taas maraming tindahan. Amoy na amoy ang durian sa loob ng airport. Dumaretsyo na rin kami sa loob. at umupo. at naghintay ng flight namin. Na delayed ang aming flight dahil nagkaroon ng thunder storm. Naghintay rin kami ng matagal sa airport. Hindi rin nagtagal ay pumila na kami para makasakay sa eroplano. Nakasakay na rin kami sa wakas at maya- maya pa ay umandar na ang sinasakyan naming eroplano.



Ligtas kami nakarating sa Manila. Pagbaba namin sa eroplano dumaretsyo na kami kinuha ang mga bagahe namin tapos ay lumabas na kami at sumakay na sa van at umuwi na.

Maraming salamat sa pababasa ng blog ko hanggang sa muli.....



































 

Walang komento:

Merrylane Cafe & Bet' Oven