Bohol 2023 Day 1

 



Umalis na kami ng mga 11 ng umaga sa bahay. Tapos naglunch na lang kami sa may shell kung saan maraming kainan. Pakatapos namin kumain dumaretsyo na kami sa NAIA ( Ninoy Aquino International Flight). Maaga na rin kami nakarating sa airport. 
Pagdating  sa loob, nagcheck-in na namin ang mga bagahe tapos ay dumaretsyo na kami sa x-ray erea. Pagpasok namin ay umupo muna kami at naghintay. Maya-maya pa ay tinawag na ang flight number namin. Pumasok na rin kami sa eroplano. Pagpasok sa loob hinanap namin ang sit number namin at nagsiupuan na rin kami at naghintay sa paglipad ng eroplanong sinasakyan namin. 
Ilang minuto rin ang paghintay ay sa wakas lilipad na rin ang erolanong sinasakyan namin. Sa tuwing sasakay ako sa eroplano lagi ako nasilip sa bintana para makita ang pagakyat. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa labas ng bintana kasi ang ganda ng tanawin. Saka ko lang inalis ang pagtingin ko medyo maulap na.
Madilim na rin noong lumapag na yung eroplanong sinasakyan namin sa Panglao, Bohol International Airport. Akala ko naulan  doon kasi bago kami nakarating sa Panglao parang naulan sa dinaanan ng eroplano. Tinawagan na rin ang van na sasakyan namin papunta sa tutuluyan namin.. Paglabas namin ng airport nandoon na ang van na naghihintay sa amin. Isinakay na namin ang mga gamit namin at sumakay na rin kami.
Balai Alona
Isang van lang ang masasakyan namin kaya magdadalawang balik ang van. Kasama ako sa unang sasakay sa van. Umalis na kami samantala ang ibang kasama namin ay babalikan na lang ng van. Doon kami sa Balai Alona mananatili. Pagbaba namin ay dumaretsyo muna kami sa office. Binaba na rin namin ang mga gamit namin at nilagay muna sa may office. Umalis na ulit ang van upang sunduin naman ang ibang kasama namin. Sa pagpasok ng Balai Alona makikita na doon yung isang kainan na katabi lang niya. Nasa isip ko baka doon na rin kami kakain ng hapunan. Mamaya pa ay dumating na rin ang ibang kasama namin at sila ay nagsipasukan na rin sa office. May kaunting sinabi sa amin yung babae tapos ay nagsipuntahan na kami sa mga kwarto namin. Dalawang klase ang ang kwarto doon. Isang abaka na kwarto at ordinaryong kwarto. Masmalaki yung kwarto ng sa abaka. Yung sa tinigilan namin ay maliit lang, yung ordinaryong kwarto. Pagpasok sa kwarto inayos na lang muna namin ang mga gamit tapos ay lumabas na rin kami para maghapuanan.


Jose Panglao
Katulad ng sinabi ko kanina, doon nga kami naghapunan sa Tabi nang Balai Alona.  Ang pangalan ng kinainan namin ay Jose Panglao. Humingi na kami ng menu tapos pumili na ng pagkain. Ang pinili naming pagkain ay inihaw na pusit, inihaw na isda, pork barbique, hipon, sinigang na baka, sinigang na kambing, pansit at higit sa lahat yung mix seafood na sobrang dami ang laman. Katulad din sa Davao sa Bohol bawal din ang baboy kaya ang mga putahe nila ay walan halong lutong baboy. Habang naghihintay kami ng pagkain ako at ibang kasama namin ay lumabas muna ng karsada para tingnan kung anong meron. May mga ilang tindahan doon at mga kainan din. Bumili muna kami ng mga tubig at tinapay. Pagkatapos namin bumili sa labas ay pumasok na ulit kami. Dumaretsyo muna ako sa kwarto namin para ilagay yung ibang tubig. Pagbalik ko sa table namin ay wala pa mga pagkain kaya naghintay muna kami. Maya-maya pa ay isa-isa na dinala ang mga pakain. Kanya kanyang tikim ng pagkain. Pagkatapos kumain ay nagsipuntahan na kami sa mga kwarto namin at nagsitulugan na dahil maaga pa ang gising kinabukasan.


Panglao Beach
Nakakatwa lang minsan kasi kapag nasa ibang lugar ako napapaaga ang gising ko. Kaya noong nasa Bohol kami maaga ako nagising. Paggising ko bumangon na ako at kinuha ang camera ko. Tapos lumabas na ako. Paglabas ko nandoon na yung kambal ko. Maaga din nagising. Sa totoo lang noong gabi naisip namin kung sakaling maaga nagising punta kami dagat kasi malapit lapit lang ang dagat doon. Ayun nga nagising kami ng maaga. Lumabas na kami ng Balai Alona. Sa paglabas namin at paglalakad papuntang dagat, may mga ilang tao na rin sa karsada. Marami ding mga kainan sa mga dinadaanan namin. Dahil maaga pa ay marami pa ang sarado. Isa sa napansin ko doon ang daming mga massage at mga spa doon. Dahil siguro marami mga taga ibang bansa na mahilig magpamassage. Sa paglalkad namin meron doon isang pasukan pakaliwa. May mga kainan rin, isa doon yung Mcdo at Jolibee at iba pa. Doon kami pumasok sa kaliwa. Sa pagpasok namin nandoon pa la yung 7/11 na dapat pupuntahan namin noong gabi para bumili ng tubig. Marami din ang kainan doon sa kinaliwaan namin. Meron na kami nakikitang mga taga ibang bansa at mga lokal doon. Yung iba nakapangsuot ng pangswimming. Dumaretsyo na kami sa paglalakad hangang makaabot kami sa may dagat. White sand ang beach doon. May ilang naliligo sa dagat at may mga bangka sa bandang kanan. Binasa ko mga paa ko sa dagat. Tapos ay naglakad kami sa kanang part ng beach. Doon merong sand castle. May mga kainan din doon pero sarado din. Naglakad na ulit kami pabalik.


Pagbalik namin nagpahinga muna kami ng unti tapos ay nagsiligo at inayos ang mga gamit namin na dadalhin. Pagkaayos ng lahat lumabas na kami ng kwarto at hinintay na ang van. Dumating na rin ang dalawang van na sasakyan namin at nagsikayan na kami at ng nakasakay na ang lahat umalis na rin kami. Susan's Kilawin Restaurant ang unang pinuntahan namin upang mag-agahan.  
Marami silang pagkain doon. Lahat ng kainan ng pinuntahan namin ay suggestion ng driver. Meron ako nakitang isang buong manok na buo doon at ayun ang pinili kong kakainin. May kahati naman ako doon. Hindi ko tanda kung anong piniling pagkain ng iba kong kasama pero napansin ko panay pusit ang order ng iba. Pwede rin humingi ng sabaw. Hindi ko napansin nung una na tagalog na manok pa la ang napili ko.  Pagkatapos namin kumain umalis na rin kami.


Sunod na pinuntahan namin ay ang Chocolate Hills.  Ang daming tao nandoon pagbaba namin ng sasakyan. May mga taga ibang bansa at mga lokal ang nandoon. Doon muna kami pumunta sa may mga tindahan ng mga pasalubong at kung saan kami ay magrerenta ng ATV. May kumausap sa aming tao tungkol sa pagrenta ng ATV. Noong nagbayad na kami ng pangrenta ng ATV binigyan kami ng number. Hintayin na lang tawagin ang grupo namin.
Habang naghihintay nakita ko yung isang lalake ay naka rain coat. Kaya napaisp ako baka maputik ang dadaanan ng ATV kaya bumili ako at ibang kasama ko ng rain coat at bumili rin sila ng foot suck para pangtakip sa paa kapag tumalsik ang putik. Bumaba na rin kami kung saan yung totoong hintayan. Sa baba marami rin naghihintay grupo grupo. Unang beses ko makasakay ng ATV. Bukod sa ATV meron doon na parang maliit na kotse na pwedeng pangdalawahang tao ang sakay. Hindi ko lang alam ang tawag doon. Binigyan din ang mga sasakay ng ATV ng helmet. Buti na lang may dala akong soblero para doon doon sa somblero nakapatong ang helmet at hindi sa may buhok ko. Mabaho kasi yung helmet. inispray namin yung helmet ng alchohol bago suutin. 
Pagpunta namin sa may ATV sunod sunod kami sumakay at sa pinaka harapan namin ay tagagabay sa daan. Aandar na kami, dahil unang beses ko sumakay,  pagkabindot ko medyo nadala ako patalikod dahil medyo napabilis ko an takbo. Pero nung nasanay na ako inunahan ko na agad ang nasa harapan ko. Tama nga maputik ang dinaanan namin pero kahit maputik binibilisan ko, tamang bilis lang. Kaya kapag napapapunta ako sa putik tumatalsik sa paanan ko. Tama lang pa la na nagrain coat ako.Tuwang tuwa ako sa pagmaneho ng ATV. Maya maya pa ay inunahan ko na lahat ng nasa harapan ko maliban lang sa aming naggagabay na tao sa harap. Tumigil lang kami sa isang tabi para magpapicture tapos ay dumaretsyo na ulit kami sa sa pag-andar.
Padating namin sa dulo bumaba muna kami sa ATV para umakyat sa isang hagdan. Kami lang umakyat mga bata-bata pa at mga  ibang hindi kaya umakyat naghintay na lang sa baba. May tambayan naman sa baba para sa mga maghihintay. Mataas din naman ang inakyat namin Pagdating sa taas makikita ang view ng mga Chocolate Hills. Doon na rin ako nagpapiktur na kunyari nalipad ako na nakasakay sa walis tingting, Pagkatapos magpicture sa taas bumaba na rin kami. Mashirap ako bumaba kaysa sa pagtaas. Naiwan na ako ng mga kasama ko sa pagbaba. 
Sa pagbaba namin ay sumakay na ulit kami sa ATV at bumalik na ulit kung saan namin kinuha yung mga ATV. Pagkatapos sumakay ng ATV nagbabaan na kami ako ang ibang kasma ko ay naghugas ng paa dahil natalsikan ng putik. Pagkatapos namin maghugas pumunta na kami sa van na naghihintay sa amin.

Hindi ko alam ang pangalan na sunod na namin pinuntahan. Pero doon na kami kumain ng tanghalian. Buffet ang pagkain doon. Filipino food ang mga putahe. Ang naalala kong pagkain doon ay adobo na manok, sinigang na baboy, ginataan, tapos yung shanghai ang laman ay gulay at iba pa. Ang huling tinikman ko doon ay ang maha. Masarap ang mga pagkain nila doon kaya ilang beses din ako kumuha ng pagakian. Naiwan pa nga ako ng mga kasama ko dahil tapos na sila kumain. Pagkatapos kumain pumunta kami sa bilihan doon. Doon ako nakakita ng somblerong may mukha ng tarsierer. Nagustuhan ko yun at binili ko. Ang mga ibang kasama ko nagbilihan din doon. Pagkatapos mamiliumalis na rin kami. 



Sunod namin pinuntahan ay ang Bohol Philippines Tarsier Conservasion Area. Pagbaba ng sasakyan kita na ang pangalan ng lugar. Sa pagpasok namin ng entrance meron mga halahalaman at puno puno sa loob. Pumasok pa kami sa looban kung saan maraming mga puno. Umakyat kami ng hagdan paikot hangang may nakita pa kaming isang tarsier. Tulog yung tarsier noong nakita namin. Naglakadlkad  pa kami ng unti at nakita pa ang ibang tarsier nandoon na nakakapit sa puno. Halos lahat nakita kong tarsier ay tulog pero yung ibang kasama ko nakita nila nakamulat yung tarsier doon kasi sila umikot sa kabilang gilid kung saan meron ding tarsier. Pagpunta ko naman doon nakapikit na kaya bumalik na ulit ako. Pagbalik ko saktong yung isang tarsier nakamulat kaya nakita ko sa wakas at nakunan ko ng litrato na nakamulat. Pagkatapso namin makita ang mga tarsier pumunta na kami sa exit at umalis na agad kasi medyo naambon na.



Pagkatapos namin makita ang tarsier, Sunod na pinuntahan namin ay mga iba't ibang hayop ang nandoon. Ang pangalan ng sunod na pinuntahan namin ay ang Bohol Lemur and Butterfly Park. Pagdating sa lugar sa harap ay yung pangalan at malaking butterfly na statwa at sa tabe ay may mga malalaking letra. Ang nakalagay ay I Heart Bohol kastulad ng sa una namin pinuntahan bago ito. Pagpasok sa loob ay may garden tapos may mga iba't ibang paro paro na nalipad at ang iba naman ay nakadapo lang sa mga halaman. May paron parong pwedeng ilagay sa kamay at meron ding bawal. Pumasok ulit pa kami sa loob. sa loob merong buwaya na nakakulong sa may gitna.
Tapos ay may kawalang rabbit. Naglakad pa kami nang unti at nakita namin ang isang ibong malaking tuka at makulay at medyo maingay. Meron din silang agila. Bago kami lumabas nagpalagay pa kami ng sawa sa aming leeg. Kulay dilaw yung sawa. Pagkatapos galain ang lugar nagpicture na muna kami sa may harap at umalis na rin.
Ang sunod na pinuntahan namin ay ang Sikatuna mirror of the world. Pagpasok sa loob makikita na yung mga ginayang statwa o tower ng ibang bansa. Pero una ko napansin yung masmalaki sa tao na world globe pero hindi naman sobrang laki. Ang katabi ng globe ay kalesang may statwang kabayo. Unang pinuntahan namin ay ang Eiffel Tower ng Paris. Doon una kami nagpapicture. Sunod na pinuntahan ay ang leaning Tower of Pisa sa Rome. Tapos ay yung Statue of Liberty sa USA. Tapos sa lion fountain ng Singapore naman ay yung mga pipikturan ko ay pinapapanganga ko kunyari iniinom yung tubig mula sa lion fountain. Bago kami magkanya kanyang lakad last picture muna sa pangalan ng Bohollywood. Matapos magpicture hiwalay hiwalay muna kami.  Ako at ibang kasama ko ay nagpatuloy sa paglakad. Ibang kasama namin ay humiwalay para magpicture sa iba o umupo na lang an iba. Madilim na noong oras na iyon. Pumunta kami sa kabilang gilid na pataas ang aakyatin. Pagdating sa taas, kainan pa la iyon. Tapos pumunta kami sa may gilid kung saan kita ang nasa baba. Gabi na nun at kita na ang mga ilaw ng mga dekorasyon. Pagkatapos tingnan at magpicture bumaba na kami. Pumunta naman kami sa kabilanggilid kung saan ay aakyat ulit kami. Sa kabila makikita ang Christ the Redeemer ng Brazil. Isa siyang statwa na sobrang laki ni Jesus Christ. Bumaba na ulit kami para puntahan ang ibang kasama namin na naghihintay. Noong magkasama na kami lahat umalis na kami.



Loay Firefly Watching
Sa huling pinuntahan namin humiwalay na kami mga bata bata pa at humiwalay na yung may mga masmatanda sa amin at mga pagod sa na sa gala. Kami pumunta pa sa huling pupuntahan samantala ang ibang kasma namin ay uuwi na. Pumunta kami sa Loay Firefly watching para makita ang mga alitaptap. Pumasok na rin kami sa loob. Pagdating sa loob umupo muna kami. Nagtanong ang mga taga doon kung joiner o private. Kung joiner may kasama kaming iba na sasakay sa bangka pero kung private naman kami kami lang ang magkakasama at walang ibang tao na sasabay sa pagsakay ng bangka. Sa totoo lang doon din yata kami magtatanghalian noong araw na iyon pero kinulang ng oras. Kaya sa sunod na araw na lang kami kumain doon. Tinawag na rin kami para sumakay ng bangka. Akala ko una maliit na bangka ang sasakyan namin ayun pa la isa siyang pabilog na bangka at sa gitna ay may mga upuan. Hindi rin nagtagal ang bangka ay umandar na noong kami ay umupo. 
Meron kami kasamang taga tour sa bangka. Dalawa sila, ang isa ay nagpapaliwanag tungkol sa alitaptap samantala yung isa naman ay nagpapaliwanag din pero ang pinakatungkulin niya ay may hawak na flashlight at ginagabayan ang nagmamaneho ng bangka. Ipinaliwanag nilakung ano ang alitaptap, ano mga iba't ibang kulay ng ilaw ng alitaptap at iba pa. Tatlong lugar na puno ng pupuntahan namin ang huling puno ay nandoon ang reyna ng mga alitaptap at masmarami doon an alitaptap.
Unang puno pinuntahan namin tumigil munna ang bangka na sinasakyan namin. Magpalakpak daw kami para mabulabog ang mga alitaptap at magliparan. Kunti lang ang mga lumipad dahil makulimlim daw. Sabi nila hindi daw masyado nagpapakita ang mga alitaptap kapag maulan o makulimlim. Nagvideo ako akala ko hindi kita sa video ayun pa la kita rin. Sunod namin pinuntahan ang pangalawang puno at doon ay pumalakpak ulit kami para mabulabog mga alitaptap. Nakahuli ng isa alitaptap ang mga tour guide namin at pinahawak sa amin. Pagkatapos ay binitawan na namin ang alitaptap at pumunta na sa huling puno pero masnagtagal kami sa pangalawang puno kaysa sa una. Pagdating sa huling puno malayo pa lang nakita agad namin ang mga alitaptap sa malayuan. Pagdating namin doon kita namin masmarami nga doon. Nagtagal rin kami sa huling puno. Pagkatapos ay umalis na kami at bumalik na. Meron doong tulay nasira last year at naggawa sila ng bagong tulay. Bago kami umalis sinabihan kaming balik balik sa bisaya ibig sabihin ay come back. Tapos sinabi sa amin ang bisaya ng alitaptap ay aniniput. Nagpaalam na rin kami at umalis na.
Bumalik na ulit kami sa Balai Alona at nagpahinga.

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking blog,
Hangang sa muli.






   
 












 





                    

Walang komento:

Merrylane Cafe & Bet' Oven