Bohol 2023 Day 3 & Last Day

 Gumising na kami ng maaga. Mga 5 ng umaga kami ay umalis na. Sumakay na kami ng toktok tapos bumaba na kamia sa may Mcdo kasi doon kami mag-uumagahan. Hindi lahat ng mga kasamanamin namin ay kasama. Ang grupo namin ay pupunta sa island hopping samantala yung ibang kasamahan namin ay may ibang pupuntahan. Kumain na kami sa Mcdo pagkatapos ay naglakad na kami papuntang dagat. Nakabihis na nga pa la kami ng pangpaligo bago kami pumuntang Mcdo.


Maliwanag na rin noong kami ay pumutang dagat. Hinanap namin ang bangka na sasakyan namin. Naghintay kami ng unti at maya-maya ay nakita namin ang bangkang sasakyan namin. Inayos muna ang parada ng bangka bago kami sumakay. Lahat ay ready na kaya naglakad na kami papuntang bangka. Isa-isa kami umakyat ng bangka. Umupo na kami at naglagay na ng lifevest. Noong nakaupo na ang lahat umandar na ang bangka.
Medyo matagal din ang pagbyahe ng bangka papunta sa unang pupuntahan namin pero enjoy din naman ang pagsakay kahit matagal. Unang pinuntahan namin ay ang mga dolphine sa gitna ng karagatan.. Malayo pa lang kami ay tanaw na namn ang mga dolphine. Kapag medyo malapit na kami tumitigil ang bangka. Higit apat din ang nakita namin. Sumusulpot bigla pero may oras na nawawala dahil lumulubog sila sa ilalim ng dagat dagat.
Meron pa sapagkakataon na may tumatalon na dolphine. Unang beses ko makakita ng dolphine sa mismong dagat. Hindi lang talaga namin nakita ang mga dolphine sa malapitan kasi lumalayo sila kapag lumalapit ang bangka pero ok na rin kasi naka swerte kami at nakita namin ang mga dolphine. Minsan kasi ang sabi nila kapag ganong oras noong pumunta kami, hindi daw basta lumalabas ang mga dolphine. Medyo nagtagal din kami doon para panoodin ang dolphine. Noong hindi na namin makita ang mga dolphine pinaandar na ang bangka at kami ay pumunta na sa susunod pupuntahan.
Sunod na pinuntahan namin ay yung isang isla doon sa gitna ng dagat. Medyo malaki rin ang isla na yun. Bago kami makarating sa pang-pang nakita na namin ang ibang dayo na naglalangoy na doon at maraming mga bangka ang nakaparada. Pumarada na rin ang bangkang sinasakyan namin sa hilid ng pang-pang at isa-isa na kami bumaba. Pagbaba namin dumaretsyo na kami sa may table. 
Dahil ready na kami naglakad muna kami sa kabilang gilid ng isla. Doon may gagabay sa aming bangkero kapag lumangoy na dagat. Sa paglalakad namin napansin ko na marami rin nakatira sa islang iyon.  Sa kabilang gild ng isla, doon ay maraming tao, Mapa lokal man o mga dayong taga ibang lugar o bansa. May mga tindahan din doon. Isa sa napansin ko may rentahan ng action camera. Pumunta kami sa isang bahay. Pagdating namin sa kabiilang gild ng isla, doon na kami sinalubon ng bangkero. Pumunta na kami sa dagat at sumakay na sa maliit na bangka. 4 na tao ang kasya sa maliit na bangka kaya yung ibang kasamahan namin ay sa ibang bangka na sumakay. 
Pagsakay namin sa bangka ay pumunta na kami sa malalim na parte ng dagat kung nasaan ang pawikan. Bumaba na kami sa bangka at lumangoy na kami. Pagbaba namin ng bangka sinuot na namin ang aming snorkel at lumangoy na at tiningnan na ang ilalim  ng dagat. Nakita namin ang iba't ibang klaseng isda tapos mga corals. Doon na namin nakita ang pawikan na malaki. Hindi ako marunong lumangoy kaya naka lifevest lang ako samantala yung ibang nakikita ko ay walang suot na lifevest kasi marunong naman sila lumangoy at sumisid. 
Ang daming tao rin ang lumalangoy doon. Medyo nagtagal din kami doon sa paglangoy. Maya-maya ay sumakay na rin kami sa bangka. Doon kami punta sa kabilang parte ng dagat na hindi naman kalayuan sa isla. Pagdating doon bumaba na ulit kami at nagsilanguyan na kami
Doon sa parte ng dagat na pinuntahan namin ay malalim pa rin at meron ding parte ay sobran lalim na parang bangin. Hindi na kasi kita ang ilalim. Pumunta na rin kami sa pang-pang noong pagod na kami lumangoy. Pagdating sa pangpang pumunta na ulit kami doon sa  bangkan gmalaki at pumunta na sunod na pupuntahan.
Huling pinuntahan namin ay ang Virgin Island Sand Box. Malayo pa lang kami ay kita namin na maraming bangka ang nakaparada at mga tao ang  nandoon.  Pumarada na rin ang bangka namin doon tapos ay bumaba na rin kami. Para siyang mataas na buhanginan na pwede lakaran tapos ang tubig dagat ay hanggang paa lang. Naglakad na kami dito at pumunta doon sa may nakalagay na pangalan ng lugar. Maraming tao ang nagpapicture. Nagpicture na rin kami sa may harap. Pagkatapos ay umalis na rin kami.

Matagal ulit ang byahe pabalik ng Panglao Beach. Pagdating namin ay naglakad kami palabas hanggang karsada at sumakay na ng toktok. Bumalik na ulit kami sa Balai Alona at doon na kami nagsiliguan. Ang check-out namin sa Balai Alona ay 12 ng tanghali. Wala na naman kami aayusing mga bagahe kasi naayos na namin kagabi. Dumating na rin ang van na sasakyan namin. Noong ayos na ang lahat sinakay na namin ang mga bagahe at gamit namin sa van at nag check-out rin kami. Pumunta na kami sa sunod na pupuntahan. 

Dahil iba ang pinuntahan namin at saka yung isa pang kasamahan namin tumagpo na lang kami doon sa kakainan namin sa tanghalian.

Sunod na pinuntahan namin ay ang Rio Verde Floating Resto. Dito rin kami pumunta noong nanood kami ng alitaptap noong nakaraang araw. Ngayon nandito na ulit kami para kumain ng tanghalian. Tumagpo na sa amin ang ibang kasama namin dito. Pumasok na kami sa loob. Pagpasok namin maraming tao pa la sa loob na naghihintay.
May mga nagtitinda rin sa loob. May mga tinda silang damit, pagkain, alahas at kung ano-ano pa. Sa bandang dulo merong nagsasayaw na mga tao. Nagsasayaw sila ng tinikling. Pwedeng makisayaw sa kanila. May mga taga ibang bansa na nakikisayaw sa kanila. Maraming tao lang talaga sa loob siguro dahil puntahan talaga ang lugar na iyon. 
Tinawag na ang numero ng grupo namin. Kaya nagsipuntahan na kami sa may bangka. Padating sa bangka nagsiupuan na kami. Nakahain na ang mga pagkain sa gitna. May mga taga ibang bansa kami kasama sa loob ng banka. Mga taga Korea, China at yung isa pa na hindi ko alam ang lahi pero mga taga Asia din siguro. Hindi ko napansin kung may kasama kaming mga pinoy sa bangka.
Dahil kompleto na ang lahat, oras na para kumain. Isa-isa na tinawag ang bawat grupo sa table. Tumayo na kami noong tinawag na ang grupo namin. Kumuha na kami ng pagkain namin. May pagkain silang inihaw, seafood, manok, mga kakanin, tinola at marami pang iba. Panay fiipino food ang mga potahe nila. Dahil buffet ang pagkain pwede bumalik.
Ang sarap ng kain ng mga tao. May nakanta pa habang nakain kami. Minsan nakaway ang mga tao sa aming bangka sa kabilang bangka kapag may nakakasalubong. Maya-maya pa ay may naririnig kaming natugtog. Pagtingin namin may mga tribo na natugtog at nasayaw. Tumigil kami sa tapat nila tapos binaba yung tulayan ng bangka para makatawid sa kabila kung nasaan ang mga tribo. Nauna nagpapicture ang ibang kasamahan ko sa mga tribo. Pagkatapos magpapicture ay bumalik na mga kasama ko sa bangka. Nagpapicture na ri ang ibang tao sa mga tribo. Pagkatapos magpapicture itinaas na yung tulayan ng bangka at nagpaalam na kami sa mga tribo. Pabalik na yung sinasakyan naming bangka. Tapos na rin kumain ang mga tao kaya halos ang iba sa amin ay nasa gilid ng bangka at pinagmamasadan ang paligid ng dinadaanan ng bangka. Kapag may nadaang ibang bangka na kasalubong ay nagkakawayan ang mga tao. Meron pa nga doon na mga batang nalangoy na kumakaway sa mga tao sa bangka. Nakabalik na rin kami sa pianggalingan nang bangka. Nagpaalam na kami sa mgaa crew at bumaba na ng bangka. May binili lang ibang kasama namiin doon tapos ay umalis na kami.

Sunod pinuntahan namin ay yung isang simbahan. Ako at yung kasama ko sa sasakyan ay hindi rin nagtaggal sa simbahan na iyon kasi may is pa kami pupuntahan pero yung mga kasama namin sa kabilang sasakyan ay maiiwan doon sa simahan. Hindi ko lang tanda kung anong simbahan yun. 


Ang huling pinuntahan namin sa Bohol ay ang Hinagdanan Cave. Pagdating namin sa lugar marami ding mga tindhan nasa mga gilid-gilid. Tindahan ng damit, pasalubong, pagakin at may mga kainan din. Sa hindi kalayuan ng mga tindahan nandoon ang pasukan sa kweba. Pumasko na kami. Pagpasok meron doong hagdan na medyo malalim. Bumaba kami doon. Dahandahan kami bumaba at baka madulas. Pagbaba medyo madilim na pero may mga mahinang mga ilaw naman sa loob. Sa dulo ay may ilog. May nakita kaming mga naliligo dito. Hindi ko nalublub ang kamay ko kung malamig pero sigurado ako malamig iyon. Akala ko una malakilaki ang kweba ayun pa la hindi ganoong kalawak. Bukod sa mga lokal na pilipino, may ibang taga ibang bansa kami nakitang nandoon at naliligo.  Nagpicture lang kami sa loob tapos ay umkyat na ulit kami. Pag-akyat namin, nagsipuntahan kami sa mga tindahan baka kasi may magustuhan. Pagkatapos namin tumingin at bumili sa tindahan ay umalis na kami.



Tumagpo na kami ng ibang kasamahan namin sa isang port sa Bohol. Doon na kami nagkita-kita sa malapit sa pasukan ng port. Binaba na namin ang mga gamit namin ay pumunta na kami sa pasukan. Bago kami pumasok inicheck-in namin ang mga maleta namin. Nilagay ang mga maleta sa malaiking cart na hihilahin ng mga staff nila. Pumasok na rin kami.
Papasok namin meron doong mga tindahan na naman. Naghanap muna kami ng mauupuan sa loob. Noong nakahanap na kami ng mauupuan ang ibang kasama namain ay nagsipuntahan na ulit sa mga tindahan. Medyo matagal din ang paghihintay namin sa loob at akala namin madedelayed pa.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang barko. Nagsitayuan na mga tao para pumila. Nauna na kami ni lolo at ibang kasama ko kasi kasama kami sa piority lane pero yung ibang kasama namin ay iniwan muna namin at hindi muna sila pumila kasi mahaba pa. 
Dahil nauna kami kaunti pa lang ang tao sa loob ng barko. Pagpasok namin may mga nag-aasist na tao. Doon kami umupo sa mga upuan sa likod. Unang beses ko sumakay sa ganoong barko. Sunod-sunod na pumasok ang mga tao at ang panghuling sumakay ay ang mga ibang kasamahan naming naiwan. Sinarado na rin ang pinto ng barko noong nakasakay na ang lahat at hindi rin nagtagal ay umandar na ang barkong sinasakyan namin. May TV sa harap kung saan nanonood ang mga tao sa loob ng barko. Minsan medyo mauga ang barko pero hindi naman ako nahilo pero inantok na ako kaya natulog na lang ako. Sayang lang kasi madilim na noong umalis kami at hindi ko nakita ang labas ng dinadaanan ng barko. Ang sunod na distinasyon namin ay ang Cecu City. 


Maraming Salamat sa pagbabasa ng aking Blog...
Hanggang sa Susunod na blog ko...!!!













 






Walang komento:

Merrylane Cafe & Bet' Oven