Sa 2nd day namin sa Bohol. Gumising na kami ng maaga. Doon na kami kumain ng breakfast sa Balai Alona Nag-order na lang kami sa sa labas ng pagkain. Bago nga pa la kami kumain nagsiliguan muna kami at nag-ayos ng mga gamit na dadalhin. Pagkatapos kumain hinintay na namin ang van. Kagaya ng unang araw dalawang sasakyan ang susundo sa amin. Maya-maya pa ay dumating na rin ang sasakyan. Nagsikayan na rin kami. Noong kompleto na ang mga sakay ng dalawang sasakyan umalis na rin kami.
Unang pinuntahan namin ay ang Baclayon Church. Isa siya sa lumang simbahan sa Bohol. Pagdating namin doon ay nagsibabaan na kami at nagpicture muna sa harapan ng simbahan. Pagkatapos ay pumasok na kami sa may parking area ng simbagahan. Sarado kasi yung pinaka entrance ng simbahan. Naglakad lang kami ng unti at nakita na namin ang pasokan. Sa pagpasok may makikita na hagdanan paakyat sa museo ng simbahan at ang pakaliwa namanay ay yung papasok sa loob ng simbahan. Nagdisiyson ako at ang dalawa ko pang kasama na tingnan ang museo at ang ibang kasamahan namin ay dumaretsyo na sa loob ng simbahan. Sa pag-akyat namin may makikitang lumang pinto. Pinagbuksan naman kami nung tao doon. Pagpasok pa lang may makikita na mga iba't ibang klaseng imahe. Meron doon mga lumang gamit ng simbahan pero ang iba yata ay hanggang ngayon ay ginagamit pa. Pagkatapos namin libutin ang museo bumaba na kami at sa ibang pintuan kami lumabas. Pagbaba namain dumaretsyo na kami sa loob ng simbahan. Wala na ang ibang kasama namin doon kaya nagpicture muna kami doon at pagkatapos ay lumabas na rin kami. Sumakay na rin kami ng sasakyan kung saan naghihintay na ang ibang kasamhan namin pagkatapos ay umalis na kami.
Akala ko sa Cordillra lang makikita ang Rice Terraces ayun pa la meron din doon sa Bohol. Ayun nga ang sunod na pinuntahan namin pagkatapos ng Baclayon Church. Parang higit 3 oras din ang byahe namin pagpunta doon. Bago kami nakarating doon naabutan pa kami ng ulan buti n lang pagdating sa Rice Terraces ay wala na ang ulan.Dumaretsyo kami sa Eleuteerio's Restaurant. Isa siyang kainan na ang katabi ay Rice Terraces. Dito na rin kami kumain ng tanghalian. Nag-order kami ng kalderetang kambing para matikman ang lasa. Tapos ng ibangkasama namin ay nag-order ng pancit. sisig, sinigang, hindi ko tanda ang iba pa. Noong dumating na ang kalderetang kambing tinikman ko agad. Masarap naman siya. Siguro naibahan lang ako sa lasa ng timpla ng pagkaldereta nila. Unang beses ko rin makatikim ng lutong kambing. Sa bawat dating ng order ng kasma namin tumitikim din ako.Nauna ako at ang dalawa kong kasama natapos kumain kasi nauna dumating ang mga order namin. Nagdisyon kami maglakad sa may Rice Terraces. Sa pagpunta sa Rice Terraces doon kami naglalakad sa gilid. May parteng maputik ag nilalakaran. Pwedeng mahulog pero mababa lang naman ang mahuhulugan kaso lang maputik din. . Hindi rin kami nagtagal sa gita ng Rice terraces kasi kailangan na rin namin bumalik kasi may pupuntahan pa kami.
n
Doon sa pupuntahan namin kailangan namin magrenta at sumakay/umanggkas sa motor. Ang pupuntahan namin ay ang Can-Umantad Falls. Nagsidatingan na yung mga motor at nagsikayan na kami. Unang beses ko umangkas ng motor kaya medyo takot pa ako mas lalo noong umandar na ang motor. Hindi naman kalayuan ang pinuntahan naming falls. Ilang minuto ay nandoon na rin kami. Pagdating doon may tour guide na sinamahan kami papuntang falls. Sinimulan na namin ang paglalakad. Bumaba kami ng hagdan tapos ay dumaan kami sa may tulay. Doon pa lang sa baba ng tulay may ilog na naagos pero medyo malakas. Tapos meron pa kami isa pang dinaanan na tulay pero mas maiksi. Pagdating sa dulo nandoon na yung falls. Kailangan lang umakyat ng hagdan para makarating doon sa may pangalan na Cam-umantad falls. Nagpicture kami doon pagkatapos ay bumaba naman kami ng hagdan sa kabilang gilid kung saan yung ilog. Nagbasa lang kami ng paa pero yung dalawa naming kasama hindi nakapagpigil naligo na sa ilog kahit walang dalang pamalit. Pagkatapos nila maligo umalis na rin kami. Sumakay na ulit kami ng motor pabalik.
Doon sa pupuntahan namin kailangan namin magrenta at sumakay/umanggkas sa motor. Ang pupuntahan namin ay ang Can-Umantad Falls. Nagsidatingan na yung mga motor at nagsikayan na kami. Unang beses ko umangkas ng motor kaya medyo takot pa ako mas lalo noong umandar na ang motor. Hindi naman kalayuan ang pinuntahan naming falls. Ilang minuto ay nandoon na rin kami. Pagdating doon may tour guide na sinamahan kami papuntang falls. Sinimulan na namin ang paglalakad. Bumaba kami ng hagdan tapos ay dumaan kami sa may tulay. Doon pa lang sa baba ng tulay may ilog na naagos pero medyo malakas. Tapos meron pa kami isa pang dinaanan na tulay pero mas maiksi. Pagdating sa dulo nandoon na yung falls. Kailangan lang umakyat ng hagdan para makarating doon sa may pangalan na Cam-umantad falls. Nagpicture kami doon pagkatapos ay bumaba naman kami ng hagdan sa kabilang gilid kung saan yung ilog. Nagbasa lang kami ng paa pero yung dalawa naming kasama hindi nakapagpigil naligo na sa ilog kahit walang dalang pamalit. Pagkatapos nila maligo umalis na rin kami. Sumakay na ulit kami ng motor pabalik.
Umalis na nga kami ng Anda's White Beach reasort. Tatlong oras na naman ulit ang pagbalik kaya tulog muna sa byahe. Sunod naman pinuntahan ay ang bilihan ng pasalubong. Ang pangalan niya ay Amarah's Pasalubong & Soovenir. Pagpasok sa loob marami silang tinda. Mga damit, pagkain, kape, keychains, somblero, at marami pang iba. Isa nakita ko doon yung pagkaing parang worn hindi ko lang alam ang tawag. Binili ko yon para tikman. Meron ako nagustohang sando doon kaso lang nag-iisa na lang yun at hindi kasya sa akin kaya hindi ko nabili. Ang ibang kasamahan ko ay nagsibilihan ng iba't ibang paninda doon. May bumili ng damit, pagkain at keychain at kung ano-ano pa. Pagkatapos magsibilihan ay umuwi na kami..
Pagdating sa bahay ay nilagay lang namin ang ibang gamit sa kwarto tapos ay lumabas na ulit kami dahil doon kami maghahapunan sa labas. Lumabas na nga kami at tumawag ng bokyo pero doon sa bohol ang tawag sa kanila ay toktok. Doon kami pumunta sa beach ng Panglao. Doon nagkayayaan kasi meron daw fire dance. Bumaba kami sa hindi kalayuan sa beach at naglakad na lang kami. Maraming tao ang mga naglalakad, mapalokal man o taga ibang bansa. Marami ring bukas na tindahan. Sinimulan na namin paglaalakad papuntang beach. Pagdating doon kumaliwa kami kung saan maraming kainan. Dumaretsyo kami sa paglakad hanggang makita namin ang nagfifire dance. Pagkatapos namin panoodin ang fire dance naghanap kami ng makakainan. Medyo naglakadlakad pa kami kasi hindi makapili kung saan kakain. Nakahanap na kami ng makakainan, hindi ko lang tanda kung anong pangalan ang kinainan namin pero ang iniorder na pagkain namin ay mga inihaw, sinigang at iba pa. Bukod sa mga kainan may mga nagtitinda doon sa beach ng iba't ibang alahas, may mga nagpapahena, tapos nakita ko sa bandang dulo ng beach may nag mamassage sa tabing dagat at syempre ang hindi nawawala ang mga bar at mga live music/band. Pagkatapos namin kumain umalis na rin kami pero bago tuluyan umalis nagpicture muna ang mga kasama ko sa sand castle. tuluyan na kami umalis pagkatapos nun.
Maraming salamat sa pagbabasa ng aking blog!!!
Hanggang sa muli!!!
Paalam!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento