Davao City -Day 3

 

https://www.google.com.ph/maps/place/San+Pedro+Metropolitan+Cathedral/@7.0648578,125.606602,17z/data=!3m1!4b1!4m6!3m5!1s0x32f96d83b2d2900f:0xc98346134620d04a!8m2!3d7.0648578!4d125.6091769!16s%2Fm%2F01322g6l?entry=ttu
San Pedro Metropolitan Cathedral

3rd day  na namin sa Davao City. City tour ang  gagawin namin sa araw na iyon. Unang pinuntahan namin ay ang San Pedro Metropolitan Cathedral. Malapit siya sa city hall ng Davao City. Ang simbahan ay mukhang barko kapag nasa malayuan.







https://www.google.com.ph/maps/place/Davao+City+Hall/@7.064525,125.6030029,17z/data=!4m10!1m2!2m1!1sdavao+city+city+hall!3m6!1s0x32f96d78c3c50cd1:0xe2da0fc53e9c675f!8m2!3d7.064525!4d125.6077665!15sChRkYXZhbyBjaXR5IGNpdHkgaGFsbJIBCWNpdHlfaGFsbOABAA!16s%2Fg%2F1tw1bb_j?entry=ttu
Davao City Hall

https://www.google.com.ph/maps/place/Davao+City+Hall/@7.064525,125.6030029,17z/data=!4m10!1m2!2m1!1sdavao+city+city+hall!3m6!1s0x32f96d78c3c50cd1:0xe2da0fc53e9c675f!8m2!3d7.064525!4d125.6077665!15sChRkYXZhbyBjaXR5IGNpdHkgaGFsbJIBCWNpdHlfaGFsbOABAA!16s%2Fg%2F1tw1bb_j?entry=ttu
Davao City Hall
Matapos namin magdasal at magpicture sa simbahan, ako at ang ibang kasama ko ay nag lakad patungo sa Davao City Hall. Nagkamali pa nga kami ng pinintahan dahil akala namin yung tapat ng simbahan yung city hall, ayun pa la nasa kabila pa. Buti pinuntahan kami ng driver naming van at sinabi sa amin na nasa kabila yung city hall. Kaya don na kami sa kabila pumunta. Nilakad lang namin ang pagpunta sa city hall kasi malapit lang din siya sa may simbahan. Pagdating namin doon nagpicture na kami sa may harapan ng City Hall. Meron din na ibang nagpipicture doon.



https://www.google.com.ph/maps/place/Museo+Dabawenyo/@7.0551329,125.5915283,17z/data=!3m1!4b1!4m6!3m5!1s0x32f96d7f5751eb31:0x1828304013c7b497!8m2!3d7.0551329!4d125.5941032!16s%2Fg%2F1tgpvqlr?entry=ttu
Museo Dabawenyo


Dito kami sunod pumunta sa Museo Dabawenyo. Pagpasok sa loob merong mga iba't ibang bagay na nakadisplay na may kaugnayan sa history ng Davao City. Meron doon na isang tao na sinamahan kami lumibot sa lugar at pinapaliwanag kung ano yung mga bagay na nasa loob ng museo. Yung museo na yun ang sabi niya ay  temporary lamang at baka ililipat na rin sa ibang lugar.



Noong nagsimula na maglibot unang pinaliwanag ay ang first people of  Davao ang yung lumad, Moro, at ang Settlers. Pero isa sa tanda ko na pinaliwanag ay yung may sariling Coco Martin ang Davao at may picture nga siya na kamukha nga ni Coco Martin.

Isa sa pinakita sa amin ang bag at sumblero. Ang tawag doon sa bag ay kabil, tapos yung sumblero ay tangkulo. Yung tangkulo kapag sinusuot ng mga  kalalakihan sila ay warrior o tinatawag na bagani. Tapos meron doon na tintawag na nganga.

Yung nganga may sariling lagayan ang tawag ay betel nut box. Sa loob ng lagayan nandoon ang sangkap ng nga-nga. Ang nga-nga yung ginagawang parang sipilyo ng dating tao. Nginunguya daw siya tapos niluluwa rin. Pangpatibay daw ng ngipin ang nga-nga. Sabi din na protection daw ng bad spiritt at kapg bibisita kayo sa muslin tribes dati. mag-aalok sila ng nga-nga na parang ibig sabihin welcome kayo sa lugar nila at nagpapakita ng pagiging friendship.
Sunod na bagay na pinakita ay yung isang bagay na ginagamit ng mga royalties kung saan nilalagay nila ang dower o dowry. Ang tawag sa lagayan na iyon ay gador. Sa tradisyon ng mga muslim kapag nagpakasal ang lalake, magbibigay siya ng dower sa babae. Nilalagay nila yun doon sa gador. Makikita doon ay pwedeng pearl. accesories, gold pwede ring lupa at bigas o tali. Lupa ibig sabihin yung lupain ng lalake o kapag tali naman6 ibig sabihin ibibigay niya ang mga alagang hayop nila katulad ng kambing, kabayo at baka at iba pa maliban lang sa baboy.
Sunod ay yung isang bilog na malaking parang plato na nakasabit ang tinuro sa amin. Ang tawag nila doon ay talam. Ginagamit siya tuwing may special na okasyon. Katulad ng kasal at pagkatapos ng ramadan. Pinakita rin sa min ang armas na barong at kris. Ang barong ay farming tools lamang pero noong pumasok ang  colonizer nagamit na ito bilang armas. Ang kris naman ay ginagamit ng mga matataas na posisyon sa muslim tribes katulad ng sultan o datu nila. Ginagamit ila ito bilang ceremonial sword. May flag pattern ang mga spadang pinakita sa amin.
Meron doon upuan ng mga sultan. 
Tapoas meron doong statwa ng dalawang tao. Sila daw ang bersyon ni Lapu-lapu at magelan sa Davao. Kung sila Magelan at Lapu-lapu ay naglaban noong taong 1565, etong dalawa naman ay naglaban ng taong 1848. 283 years pa bago tuluyag napasok ng mga spanish ang Davao. Datu Mama Bago ang defender ng Davao laban kay Don Jose Oyanguren isang spanish colonizer. Naglaban sila ng 3 months straight kaso lang natalo ang defender ng Davao. Kasi 1848 mas advance na yung mga armas ng mga spanish kaya natalo si Datu Bago. Pero walang namatay sa dalawang leader kaso lang namatay ang asawa at anak ni Datu Bago during ng labanan. Dahil nakapasok ang spanish sa Davao, pinakilala na nila ang christianity sa lugar. Sila yung nagpatayo ng simbahan ng San Pedro cathedral, yung unang pinuntahan namin bago ang Museo Dabawenyo.
Mahilig ang mga spanish magpalit ng pangalan ng lugar kapag nasakop na ito. Tinawag na Nueva Vergara ng mga spanish ang Davao dati. 
Kaya siya tinawa na Davao kasi gawa ng 3 grupo ng mga Indigenous. Ang river nila doon ay tinatawa nilang Davah, Dawaw at Dabo. Tatlong salita iyon, mula sa 3 magkakaibang tribo na magkakaibang salita. Kapag pupunta ang mga setler para makipagtrade sa lugar nalilito sila kung ano ang itatawag sa lugar. Tapos noong nalaman nila ang tatlong salitang iyon ay iisa pa la ang ibig sabihin, Ayun pa la ang river. Kaya pinagsama nila ang tatlong salitang iyon at naging Davao. Meron doong nakadisplay na bible at luhuran na inidonate ng San Pedro cathedral.
Sunod naman pinakita ang musical intrument na ang tawag ay bangkakaw. Gawa siya sa isang puno. May may dalawa siyang pangpukpok na medyo mataba. Ang kalalakihan ang gumagamit at pinupukpok na parang tambol sa Bangkakaw. Ang mga kababaihan naman ang may hawak ng isang stick. Dulo ng stick pinupukpok sa bangkakaw.
Picture ng Santa Ana Pier sentro ng mga commerce. May  nakasulat doon na little tokyo. Kaya tinawag daw na little Tokyo kasi yung mga taga amerika na napadpad doon sa Davao ay naghahanp ng magtatrabaho sa kanila. Hindi pumuyag ang mga tribo sa Davao na magtrabaho sa amerkano kasi nga lupain nga nila yun tapos magtatrabaho sila para sa amerikano. Kaya naghanap ang amerika na magtatrabaho sa kanila. Naghire sila ng mga japanese na magtatrabaho sa kanila. Dahil sa pagtatrabaho ng mga Japanese sa Davao, ang ibang japanes ay nagkapag asawa ng mg prinsesa ng mga tribo sa Davao. Kasi kapag nakapag asawa ng mga tribo parang katumbas siya ng lupain. Kung ano ang pagmamay-ari ng asawa niya ay pamamay-ari rin na nagin asawa. Kaya halos lahat ng lupain ng Davao ay pagmamay-ari ng Japanes. Isa sa naging negosyo ng japanese sa Davao ay ang Abaca plantation. Pinakita rin sa min yun isang storage jar na pinaglalagyan dati ng mga japanes rice wine o sake. Nilagagayan din nila ng toyo, patis o suka yung storage jar.
Pinakita sa amin ang buntot ng isang ginamit na bomba ng mga japanese noong world war 2.  Ang laki pa la nung bomba. aabot ng 800 kilogram ang bigat ng isang bomba. Sunod na armas na pinakita ay yung baril na tawag na springfield sniper rifle. Ginamit naman siya ng mga amerikano. Lima na bala ang nilalagay sa baril na iyon. Arisaka rifle naman ang tawag sa japanese sa baril na iyon pero sa kanila may patusok.
Noong natalo ang mga japanes sa digmaan lahat ng Japanese sa Davao ay tinipon tipon at pinabalik sa na sa Japan. Ang mga lupain na nakuha ng mga japanese ay ibinalik sa mga native at ang iba ay binigay sa mga veteran ng war. Sunod na pinakita ay ang big chinese jar at ang abacus. Ang abacus ginagamit ng mga chinese bilang calculator at kahit ngayon ginagamit pa nila ito. Tinukoy din sa amin na sa Davao makikita ang pinaka malaking china town tapos ang pinaka lumang china town ay nasa Binondo.  


Sunod na pinakita ay ang two person crosscut saw. Isang malaking lagare na pangputol ng puno. Sunod na pinakita ay ang foot operated stapler. Pinahula sa amin kung anong bagay yun ang iba sa amin nagsabing sawing machine ayun pa la stapler pa la.
Sunod naman ay ang gawa sa abaca fiber and wires. Ang design niya ay parang coral reef. Hand made ang paggawa niyan. 
Meron din doong lumang manual typewriter. Naalala ko meron din ako nakita sa bahay nila lolo lumang typewriter kapag binuhat ay mabigat talaga. 
Meron doong statwang babae na maraming dibdib. Siya si Mebuyan isang god na sinasamba ng mga tribo ng mga taga Davao. Para sa mga tribo si mebuyan daw ay ang goddest of fertility. Kaya kapag guto daw magkaanak siya daw ang sinasamba nila. Kaya yung dalawa naming kasamang babae pinahawak sa istatwa. Tinatawag rin si Mebuyan na goddest of underworld at care taker ng unborn children. Kung tayo daw ay naniniwal sa heaven at hell sila naman ay yung underworld o yung spirit world. Kung anong edad ng tao kapag namatay ayun din ang magiging edad niya kapag napapunta sa underworld. Para lang pinagpatuloy lang ang buhay sa  underworld. Tapos kapag may namatay na sanggol sa first world si Mebuyan ang mag-aalaga sa underworld. Tapos pwede daw magkita ang namatay na sanggal  at ang nanay ng sanggol kapag namatay na rin. Doon na nila ipapatuloy ang 2nd life nila. Ayun ang paniniwala nila.
Meron din doong dalawang painting. Ang una ay ang gawa ni Victorio Edades. Isang national artist of Philippines. Hindi siya gumagamt ng brush kundi ang mga daliri niya ang ginagamit sa pagpainting. Nagkakahalaga ang painting ng 2 o 3 milyon pesos. Ang taong nasa painting ay si Rosa Santos Munda, anak ni Genaral Paulino T. Santos kung saan nanggaling ang pangalan ng Gensan o Genearal Santos City. Naging presedent si Rosa Munda sa PWU o Philippine Women's University at naging founder siya ng Philippine women Collage sa Davao. Ang sabi sa amin kaya mahal daw ang mga painting kasi gawa sila ng mga artist at namatay na rin ang naggawa kaya lalo nagmahal. May isa pang painting. Ang painting na iyon ay dorian. Gawa ni Ang Kiu Kok. Isa ring national artist ng Pilipinas. Ang Davao ang dorian capital ng Pilipinas. 
Sunod na pinakita ang upuang gawa sa metal. Mukha siyang dahon ng abaca o saging. Ginawa siya ni Ann Tiukinhoy Pamintuan. Si Ann Tiukinhoy Pamintuan ay kilalang naggagawa ng mga bakal na furnture.
Sunod na pinakita ay ang lagayan ng gatas tapos ang cheese presser, pangpiga ng keso. Sa Davao merong mga cheese artist, mga man made na keso.
Meron doong upuan na maliit. Ang upuan na iyon ay paboritong upuan ng dating pangulong Rodrigo Duterte. Tuwing pupunta at kakain siya sa carendiria ayun ang upuan niya.  Dahil naging presedente na siya, binigay na nung may ari ng upuan sa  museo at dahil rin nagkaroon na siya ng historical value.
Sunod ang first digital phone na ginamit sa 911. Sinimula siya gamitin sa davao noong 2002. Sa panahon na iyon, 3 lugar ang gumagamit ng 911. Una ang U.S. ang canda tapos ang Davao. Mula nood hanggang ngayon libre ang service ng 911 sa Davao. May 5 services ang 911 nila, ang k9 unit, medical assistant, search and rescue, fire fighter at police services. Sa Davao kapag may nakitang aksidente tapos hindi alam ang lugar ngunit tumawag ng 911, pumunta lang daw sa malapit na poste at may makikita na number at number na yun an sasabihin sa 911 at sila na tutukoy kung saang lugariyon.

Sunod naman ay ang picture ng Duterte Family. Ang Duterte ng  Davao City ang naging "first family " ng Pilipinas noong umupong ika- 16 na presedente ng Pilipinas si Rodrigo Roa Duterto.
Meron naman doong picture ng family ng duterte ng iniedit. Ginawang the Avenger ang Duterte Family at tinawa silang avenger ng Davao. Pero sa picture na ginawang avenger siningit nila si Bato at si Bong Go. Kasi sa original na picture wala sila.
Ang huling bagay na pinakita ay ang gawa ni Banjo Satorre. Ang tawag sa ginawa niya ay ang Tri-people. Etong gawa niya ay nanalo sa Philippine art awart noong 2001. Ang Tri-people painting ay represent ng tatlong types na tao na nakatira sa Davao. Sa gitna ay ang Christian. May 85% ng Christian sa Davao. Akala ng iba ay ang Davao ay Muslim city. Dati daw masmarami daw ang muslim ngunit noong dumating ang christtian umunti na yung muslim sa davao. Sa left side ng painting ay ang muslim at 10% ang mga muslim ang nasa Davao at ang sa right side ng painting ay ang mga lumad na 5% lang ang nasa davao at umunti na lang sila. Ang iba kasi sa mga lumad ay converted na bilang christian o muslim. Kaya pingangalagaan talaga ng city goverment mareserved ang ang culture at heritage ng mga tribo sa Davao. Pinapakita rin sa painting ang bawat isa ay may pantaypantay. kahit anong katayuan mo. relihiyon  mo, tribo mo lahat ay iisa sa Davao. Tapoas ay tapos na sa paglilibot sa Museo Dabawenyo. 



Duterte's House
Pag-alis namin sa museo Dabawenyo sunod na pinuntahan namin ay ang bahay ni Duterte. Pumasok kami sa loob ng parang subdivision. Bago pumasok may manghaharang na mga pulis tapos kailangan ibaba ang bintana ng sasakyan at titingnan nila ang loob ng sasakyan. Sabi ng driver ng van dati wala pa nagbabantay sa labas doon sa loob lang meron. Pero noong natapos na daw ang pagkapresedente ni Rodrigo duterte nagkaroon na ng bantay. Maghigpit ang pagpasok sa loob ng subdivision. Sa pagpasok doon pumarada sa kabilang karsada ang sinasakyan namin na van at kailangan lakarin namin ang pagpunta sa bahay ni Duterte. Tapos pinagbawalan kami magdala ng bag. Bawal din ang magbideo doon pero pwede lamang ang magpicture. Naglakad na kami patungo sa bahay ni Duterte. May nakita kaming tent kung nasaan may mga pulis at may mga souviner na mga tinda. Pagdating namin sa tent kailangan yata ilista ang pangalan ng bawat taong nabista doon. Sa pagpunta doon sa bahay ni Duterte kailangan hindi kadamihang tao kaya nagdalawang grupo kami. Isa ako naunang naksama sa bahay ni Duterte. Pagdating namin doon pumunta na kami sa harap ng bahay at nagpicture tapos ay naglakad pabalik ng van. Pero grabe ang init ng paglalakad namin. Pagdating namin sa van ay naghintay lang kami saglit dahil ang ibang kasama namin ay bumili pa ng mga souviner. Noong kompleto na kami ay umalis na rin kami.



https://www.google.com.ph/maps/place/Eden+Nature+Park+%26+Resort/@7.0292029,125.3970798,17z/data=!4m23!1m13!3m12!1s0x32f90f7adfa4f027:0x7a65a423f13b7bb2!2sEden+Nature+Park+%26+Resort!5m2!4m1!1i2!8m2!3d7.0292029!4d125.3992685!10e5!14m1!1BCgIgAQ!16s%2Fg%2F1tksf9_7!3m8!1s0x32f90f7adfa4f027:0x7a65a423f13b7bb2!5m2!4m1!1i2!8m2!3d7.0292029!4d125.3992685!16s%2Fg%2F1tksf9_7?entry=ttu
Eden Natture Park and Resort 


Sunod na pinuntahan namin ay ang Eden Nature and Resort. Bago ang lahat noong nandoon kami sa Museo Dabawenyo. Meron sila pianliwanag tungkol sa history ng Eden Nature Park. Sabi nila ang lugar na iyon ay dating mga pinagpuputol ang mga puno o nagkaroon ng illigal logging. 80 hectares ang nawalan ng puno sa lugar. Pero ngayon ang dami na nakatanim at hindi halatang dati siyang nagkaroon ng illigal logging.
Dito na tayo sa pagpasok namin sa Eden Park Resort. Dumaretsyo muna kami sa kainan. Buffet ang kinainan namin. Enjoy ang lahat sa pagkain. Ang nakakatawa sa lahat yung isang putahe ay ubos na agad kasi ayun yung masarap sa lahat. Pagkalagay na pakalagay kuhanan na agad ang mga tao kaya ayun ubos na agad. Maslalo na yung isang putahe na pritong saging yata yun. Ayun ang pinagkakahintay ng mga kasama ko akala mo ay hindi nakakakain ng pritong saging.




Pagkatapos namin kumain ay dumaretsyo na kami sa fishing village. Doon sa Fishing Village nangisda kami. Hindi ko lang tanda kung anong isda ang pwede mahuli doon. Yung isa naming pinsan ang nangunang nangisda. Maya-maya pa ay may nahuli na agad siya. Halos lahat kami sumubog pangisda. Nakahuli yata kami n 3 o 4 na isda. Pagkatapos namin mangisda pinatimbang na namin. Yung isdang nahuli namin ay pinaluto na rin namin. Dahil kakakain lang namin pinabalot lang muna namin yung isdang pinaluto..





Matapos mangisda lumabas na kami doon sa fishing village. Paglabas namin may naghihitay na sasakyan. Ang sasakyan na iyon ay lilibot sa Eden Nature Park. Bago kami makasakay ay may nakita kaming puting peacock. Ang ganda ng pagkaputi nung peacock. Pinikturan ko muna yung peacock tapos ay sumakay na rin ako. Umalis na kami at sinumulan na ang paglibot. Unang pinakita yung Philippine deer. Noong nasa fishing village pa kami nakita na namin yung Philippine deer doon kabilang gilid. 


Isa sa pinuntahan namin ay maraming bagay na pwedeng magpapicture. Meron doong malaking rainbow doon sa ilalim magpipicture. Meron din doong malaking picture frame. Kasya lahat kaming magkakaanak. Tapos nagdadamihang sunflower. Pagkatapos namin magpicturan pumunta na kami sa sunod na pupuntahan.


Habang nasa sasakyan kami meron kami nadaanan na mga pananim. Katulad ng vegtable garden. Tapos doon sa mga daanan merong mga durian, atis, marang at iba pang tanim na puno. May hiking trail paakyan kapag gusto maglakad. Parang merong ilog doon kasi meron ako naririnig na umaagos na tubig. 

Sunod na tinigilan namin ay ang bahay na tinatawag na Balai-Kalimudan. Ang bahay na ito ay tradisyonal na bahay o kaya ginaganap ang pagtipon tipon ng Datu at ng mga residente. sa pagbaba namin ng sasakyan nagpicture muna kami sa harap tapos dahil may hagdan doon paakyat. Pagkaakyat may mga iba't ibang statwa. Dumaretsyo na rin kami sa bahay At doon nagpicture. Pumasok na rin sa loob para makita kung anong meron.

May maga cottage nga pa la kami nadaanan. Iba't ibang cottage din ang mga nandoon. Mga cottage yata doon ay yung pang pamilyang o yung  madamihang grupo. Ang ganda kasi ng mga cottage doon kasi nasa gitna ng kagubatan. Hindi ko lang nakunan yung mga ibang cottage kasi medyo mabilis ang sinasakyan namin..

Huling tinigilan namin ay ang Lola's Garden. Sa lugar na ito ay merong mga iba't ibang bulaklak isa na doon ang gumamela. Meron doong wishing well na ang loob ay may tubig at may mga lumulutang na mga iba't ibang kulay na gumamela. Tapos merong kubo doon at may duyan. Ang daming mga puno ang nakatanim sa paligid.
Meron doong istatwang kalabaw na parang totoo. Mataas na lugar ang lugar na iyon kaya meron doong pababa. Sa baba nun may mga taniman. Tapos mula sa tuktok kita sa kalayuan yung lungsod at dagat ng Davao. Ang ganda ng view doon. Buti na lang hindi pa naulan sa pagkakataong iyon. Pagkatapos namin magpicture sa lugar sumakay na ulit kami ng sasakyan. Pabalik na ulit kami sa pinaggalingan namin.


Bumalik na ulit kami doon sa may entrance. Nakita namin yung i heart eden na pangalan sa may taas kaya pumunta kami doon at nagpicture. Tapos doon sa parang waiting area malapit sa entrance. Meron doong standy ni Rodrigo Duterte at nagpicture.
Meron doong tindaan ng halo-halo yata. Yung mga kasamahan ko ay kumain muna doon. Sinamahan ko naman yung isa kong pamangkin sa may playground. Natuwa naman siya sa playground maslalo na sa swing at slide. Malaki din ang playground. Maya-maya pa ay unti-unti na umulan kaya umalis na kami sa playground at bumalik sa mga kasama namin..
Meron din silang swimming pool. Hindi na namin napuntahan kasi umulan na ng malakas at buti na lang noong naglilibot pa kami ay hindi kami naabutan. Meron din silang iba't ibang zipline. Hindi lang din namin nakita dahil umulan. Ang mga zipline nila ay skycycle na nagbibisekleta na zipline, skywheel na parang isang hamster nasa loob na bilog na rehas tapos papaandarin at iba pang klaseng zipline. May horse back rideing din nga pa la sila. Grabe ang daming activity na pwedeng gawin sa eden Nature park pero dapat hindi talaga naulan kapag gagawin ang mga activity doon.



https://www.google.com.ph/maps/place/Apo+ni+Lola+Durian+Delicacies/@7.0557171,125.571666,17z/data=!4m10!1m2!2m1!1sapo+ni+lola+durian+house!3m6!1s0x32f972af0f613013:0xc865308bfdf2bac3!8m2!3d7.0558792!4d125.573704!15sChhhcG8gbmkgbG9sYSBkdXJpYW4gaG91c2VaGiIYYXBvIG5pIGxvbGEgZHVyaWFuIGhvdXNlkgEOc291dmVuaXJfc3RvcmWaASRDaGREU1VoTk1HOW5TMFZKUTBGblNVTTBPVFIxY1RaM1JSQULgAQA!16s%2Fg%2F1vxcsyn7?entry=ttu
Apo Ni Lola Durian House
Sa pag-alis namin sa Eden naghiwalay hiwaly muna kami. Ang isang van kami mga bata-bata at mga matatanda sa kabilang van. Pupunta ang kabilang van doon sa kilala nilang pari, sa semenaryo yata  samatala kami naman may pupuntahan sana kaso lang yung lugar ay parang sarado na yata kaya dumaretsyo na kami sa Apo ni Lola durian house. Pagbaba namin pumunta na kami sa may entrance at bago pumasok may nagbibigay ng libreang duraian pastilias. Sa pagpasok unang nakita ko ay yung tindang suha na nasa box. Sa totoo lang yung ibang napuntahan namin sa mga labas maraming nagtitindang suka at parang masmura nga sa Davao ang mga suha. Sa may looban ang maraming mga tinda na naka display. Merong mga pastilias, polvoron, cookies at iba pa. Pero halos lahat ng flavor nandoon ay durian. meron nga rin doong icecream durian flavor. Pansin ko rin maraming nabili nung icecream. Ay! oonga pa la! yung libreng pastilias durian kinain ko na rin doon. Nasarapan naman ako, kaya naghanap ako nang ganong pagkain na nakabalot. Nakita ko may kinuha si ate ko na ganung pagkain. Assorted ang pinili niya bukod sa flavor ng durian flavor merong durian lang pero hindi ko tanda kung ano yung flavor ng iba na nakabalot. May tinda rin sa loob ng iba't ibang souviner katulad ng ref mafnet, damit sumblero, bag at iba pa. 

Meron doong standy nila Dating Presedenteng Rodrigo Duterto at ni Senator Bato De La Rosa. Akala ko nung una ay totoong taong na nakatayo. Sa totoo lang parang masarap bilhin ang halos iba't ibang paninda nila doon kasi mukhang masarap. 
Pero kahit sapat ang pera ko mabili yung gusto ko doon sa loob baka masayang lang kasi ang dami at baka mahirap bitbitin. Ayun na nga nagpicture picture rin ako sa loob habang ang ibang kasamahan ay napili at bumibili ng mga paninda doon. 

Bago nga pa la pumuntang Apo Ni Lola Durian House pumunta kami doon sa bagong tulay na dumuduktong mula sa Davao City papuntang Samal Island pero parang hindi pa pinapadaanan ng sasakyan kaya doon muna kami sa may baba nun. Sa baba merong park, may mga playground. Hindi na rin kami nagtagal kasi may ilan pa kami pupuntahan at may pupuntahan din naman kaming park. Kaya wala rin akong picture doon. Umalis na rin kami.



https://www.google.com.ph/maps/place/People%E2%80%99s+Park+Davao/@7.0707483,125.606492,17z/data=!3m1!4b1!4m6!3m5!1s0x32f96d763050b87f:0xa373f4acd9140e1a!8m2!3d7.0707483!4d125.6086807!16s%2Fm%2F0k7_03_?hl=en-GB&entry=ttu
People's Park Davao
Pagkatapos namin mamili sa Apo Ni Lola Durian House. Dumaretsyo na kami sa People's Park sa Davao eto. Kasi isang kilala kong lugar na People's Park ay nasa lugar ng Tagaytay. Maliwanag pa nung pumunta kami doon. Habang naglalakadlakad kami sa loob dumidilim na. Merong mga playground sa loob, Mga upuan at merong tulay din at may mga letrang malalake ang nakasulat ay i heart people's park sa may gitna ng park. Ang nagustuahan ko doon ay yung may exercise area. Doon may parang may akyatan. Kaso lang hindi naman ako nakaakyat kasi pinupulikat ang hita ko kaya ang mga kasama ko ang mga sumubok. Pagkatapos libutin ang buong park naghintay na lang kami doon. Hinintay namin tumawag ang kabilang van. Kasi sabay sabay kami aalis sa lugar na iyon.



https://www.google.com.ph/maps/place/Garden+Bay+Restaurant+%26+Resort/@7.1078286,125.6505523,17z/data=!3m1!4b1!4m6!3m5!1s0x32f96c206bab6e37:0x11019fab8f809f6b!8m2!3d7.1078286!4d125.652741!16s%2Fg%2F12qg1fp2x?entry=ttu
Garden Bay

Huling pinuntahan namin at kinainan namin ng hapunan ay ang Garden Bay. Madilim na rin noong nakadating na kami sa Garden Bay. Ang ganda nung kainan kasi tabing dagat siya. Maraming tao ang nakain. Doon kami pumesto sa looob kasi doon halos ang mga lamesang maramihan. Pero maganda doon sa tabing dagat pumesto. Nag-order sila ng  lutong crab,sinigang, isda, baboy at kung ano- ano pa. Grabe nung nakita ko ang menu nila doon ang daming mga putaheng nakalagay. Parang hindi ako makapili sa dami. bukod sa pagkain may iba't ibang klaseng alak din ang nakalagay sa menu nila. Katulad sa kabilang lamesa namin halos nag-iinoman na.  
Isa-isa na rin dumating ang pagkain. Sila na ang pumili ng pagkain kasi hindi na rin ako pumuli ng akin. Marami rami na rin ang iniorder ni lang pagkain. Masarap din naman ang mga pagkain. Ang ibang kasamahan ko todo kain at nakakamay na kung kumain. Hindi maiwasang magkamay kasi may alimasag. Merong mga kainan na kapag may birthday kakantahan ng mga stuff doon. Meron ganun sa Garden bay. Sinabihan yata nila doon may birthday si lolo pero kunyari lang birthday ni lolo. Kaya habang nasa gitna ng kainan bigla may nagkantahan na stuff sa tabi ni lolo. Tuwang tuwa naman ang lahat dahil sa pagkanta. 




Sa labas naman merong nakanta o live band yata tawag doon. Merong ilang lamesa at upuan doon at may nakain din. Pwede rin makikanta doon. Kaya yung dalawa naming kasama ay nakikanta. Nagbayad rin yata sila sa pagkanta nila hindi ko lang sure. Sa labas din merong tindang durian. Bumili at pinagayat ng nanay ko yung durian sa tindero at doon na rin namin kinain. Pero merong tira pa. Hindi ko lang alam sino nagdala nung tirang durian.

Tamang tambay muna kami sa labas. Yung mga bata ay naglalaro sa playgroung doon. Ang iba ay nagpicture picture muna at nakaupo lang ang iba.. Maya- maya pa ay nagkayayaan na umuwi dahil gabi na. Hindi ko nga tanda kung ano oras na kami nakauwi nung gabing iyon.


Salamat sa pagbabasa ng aking blog, Hangagang sa susunod na blog ko.....! 



Walang komento:

Merrylane Cafe & Bet' Oven