Sea wind Condominium Building |
Pumunta kami sa may bundok. Ang tawag sa lugar na pinuntahan namin ay Sinnen Berg Mountain View. Sa Pagbaba namin ng sasakyan, Dumaretyso na kami lumakad papunta sa magandang view. Bago makarating sa doon ay mga kawayan na dadaanan na pahagdan.
Nauna na ako sa mga kasamahan ko. Pagdating ko sa lugar bumungad sa akin ang napagandang view. Nakita ko ang dagat ng ulap na sobrang ganda at halos sinabayan pa ng sinag ng araw. Habang nagpicture ako kasunod na dumating ang ma kasamahan ko at nagpicture na rin.
Tamang tambay muna kami noong umagang iyon at pinagmamasdan ang ulap at habang kumukuha ng litrato. May libreng painom ng hot choco doon. Tapos yung isang kasamahan namin ay bumili ng suman. May mga ibang pagkain na nabibili rin doon. Hindi lang kami doon nag-umagahan.
Hills View |
Sa pagpasok ng gate ng hills view, may nakikita na malaking garden sa loob. Madaming iba't ibang klasen halaman at mga bulaklak at sa dulo ay yung pangalan ng lugar. Meron doon mataas na hagdan na aakyatin. Kaya hindi pwede ang mahihina ang tuhod.Sa pag-akyat namin, meron doong daanan na pakaliwa at pakanan. Ang pakaliwa ay papunta siya sa kainan at sa pakanan ay paakyat ng hagdan sa dulo na parang bahay. Ako at ang iba ay kumanan at umakyat samanta ang ibang ayaw na umakyat ay kumaliwa na lang. Pag-akyat namin meron doong parang tambayan at kubo. Tapos makikita na ang magandang view ng mga bundok pagdating sa taas. Tapos nakakatakot kasi ang taas pa la ng lugar na tinatayuan namin.
Sumunod ako sa ibang kasamhan ko doon sa kabilang gilid na batohan na ang akyatan. Pagdating sa dulo may malaking batuhan na pwede ka makatayo kaso lang ang harapan ay hulugan na. Makikita ninyo yung picture ko sa kaliwa na nakatayo sa may batohan. Nakakatakot pero nakakatuwa kasi an ganda ng view.
Matapos makapunta sa tutok, bumalik na kami at pumunta doon sa kinaliwaan ng ibang kasama namin kanina. Pagdating doon ang ibang kasamahan namin nagpipicturan at ang iba naman ay nakaupo lamang. Kainan ang lugar na iyon. Akala ko una doon na kami mag-uumagahan ayun pa la hindi. Picture-picture muna sa lugar na iyon bago kami tuluya na umalis.
Reel Place Restaurant |
Dito kami kumain ng umagahan sa Reel Place. Pagpasok mo pa lang sa kainan maliit lang siya pero simple lang ang mga desenyo sa loob. Makikita mo rin sa loob na may decoration silang bike na pwedeng sakyan pero hindi pwede paandarin, pang display lang siya at pang picture.
Habang napili pa ang mga kasama ko ng mga pagkain kasi ako ay nakapili na, Nagdisisyon ako pumunta sa may kabilang labasan. Maliban sa pinasukan naming entrance, meron isa pang labasan sa likod. Pinuntahan ko yun at meron sa likod na parang pwedeng galaan.
Kaya nagpasya ako na yayain ang isa kong pinsan maglakad sa lugar na iyon.. Sa pagpunta namin sa likod may nakita kaming parang zipline, tapos playground, tapos sa bandang dulo ay may ATV. May ilang tao doon na naglilinis. Meron kami nakitang sign board. Nakasulat doon kung nasaan ang swimmingpool, activity area, tennis court at iba pa. May papasok pa sa kaliwa. Kaya pumasok kami doon.
Pagpasok may nakita kaming hanging bridge agad namin tinungo eto. Mahabahaba rin yung hanging bridge. Tiningnan namin kun may harang o may nakasulat na bawal dumaan pero wala naman kaya dumaretsyo na kami tumulay sa hanging bridge.
Nauna na ang pinsan ko, tapos ay sumunod naman ako. Habang tumutulay ako inuuga ng pinasn ko ang tulay kaya medyo natakot ako. Pero kahit paano natawid ko naman ang tulay. May balak sana ituloy libutin ang lugar ngunit may sumigaw na kasamahan namin hindi namin alam kung ano ang sinisigaw. Nasa isip namin baka nandoon na yung pagkain. Kaya bumalik na ulit kami.
Ayun na nga nakabalik na kami sa restaurant. Pero pagbalik namin wala pa palang pagkain. Akala kasi namin kaya sumigaw ang isang kasamahan namin ay nandoon na ang mga pagkain. Wala na ako balak bumalik doon sa pinuntahan namin kasi nakakapagod na din bumalik kaya naghintay na lang ako ng pagkain sa restaurant.
Maya-maya pa ay isa-isa na dumating ang mga pagkain. Ang mga pagkain na iniorder namin ay iba't ibang topsilog, may ding tinola, kalamares at iba pa. Chicksilog yata ang iniorder kong pagkain doon. Masarap naman ang pagkain. Yung iba kong kasamahan pagkatapos kumain nag-order pa sila ng icecream.
Taglucop Strwaberry Hills |
Sunod na pupuntahan namin ay ang Taglucop Strawberry Farm. Kaso lang saktong pagdating pagdating namin ay bigla siya nagsara. Kaya ayun hindi na kami nakapasok sa loob . Kaya dumaretsyo na kami sa isa pang pupuntahan namin.
Municipality of Kitaotao, Bukidnon |
Sunod na tinungo namin ay etong may sulat na Municipality of Kitaotao, Bukidnon. Nagsibabaan lang kami sa harap neto at nagpicture tapos ay umalis na rin at pumunta na sa susunod na pupuntahan.
Pagkatapos namin magpicture dumaretsyo na kami sa Benwa Farm. Sa pagpasok sa Benwa Farm, unang mapapasukan ay kainan. Dahil kakatapos lang namin kumain hindi muna kami kumain at dumaretsyo pa kami sa kabila.
Pagpunta namin sa kabila, may mga halaman na madadaanan. May tindahan sa harapan. Ang tinda nila ay mga gulay, prutas, at mga iba't ibang tanim na halaman.
Mula sa tindahan tanaw ang mga pananim na iba't ibang halaman sa harapan. Meron ding horseback riding. Nakita ko pinsan ko sumakay ng kabayo kaya sumakay din ako ng kabayo pagkatapos niya.
May binili lang ang mga ibang kasama ko sa tindahan pakatapos ay bumalik na sila sa may kainan. Ako naman nilakad ko ang ibang part ng taniman ng Benwa farm.
Ang lawak ng taniman nila. Dederetsyo sana ako sa may dulo kaso lang bawal na dumaan at may harang na. Kaya naglakadlakad na lang ako doon sa pwedeng puntahan at nagpicture. Pagkatapos ay bumalik na rin sa may kainan.
Brgy. Baganihan, Davao City |
Sunod na pinuntahan namin ay ang malaking statwa ng agila sa Brgy, Baganihan, Dvao City. Nagpicture kami dito. Tapos may tindahan sa gilid neto. Ang mga tinda doon ay mga pasalubong katulad ng mga keychain, bracelet, ref magnet at iba pa. Tapos meron doong mga tao na nagtitinda ng bracelet na nilalagay nila sa paa ng costumer. Ang ibang kasama ko ay bumili at nagpasuot ng bracelet sa paa nila. Ang pagkaintidi ko anti-usog daw o hindi daw magkakacramps. Ewan ko hindi ko hindi ko tanda kung ano yun. Matapos magpictur at magbilihan umalis na rin kami.
![]() |
Philippine Eagle Center |
Sunod namin pinuntahan ay ang Philippine Eagle Center. Sa pagpasok makikita sa harap ang gift shop. Tapos ang entrance. May entrance fee kapag papasok sa loob. Pagpasok sa loob may sasalubong na tour guide. Sila ang sasama para ilibot ang lugar. Habang naglalakad sa loob nagpapaliwanag yung mga tour guide tungkol kun anong meron sa Philippine Eagle Center. Bukod sa mga agila, meron silang mga ibang hayop. Katulad ng owl, crocodile, ahas, unggoy at iba pa. Sa dami sinabi sa amin ng tour guide isa pinaka nantatandaan ko ay parang pwede mag-aampon pero ang mga stuff ng lugar ang mag-aalaga. Sabi nila kung balak mag-adopt magbibigay yata ng 20,000 pesos, ayun ang aking pagkatanda. Marami rin naman nag-aadopt doon kasi sino nag-adopt may nakaukit na pangalan sa mga dinadaanan naming sahig. Ang huling pinuntahan namin ay yung nakapreserve na agila. Ang pangalan ng agila Diola at Pag-Asa. Naka display sila sa isang lugar. Pagkatapos ay lumabas na kami at hintay ang ibang kasama namin.
Jack's Ridge |
Sunod na pinuntahan namin ay ang Jack's Ridge. Dito na kami kumain ng dinner. Pagpasok sa loob ang luwag ng paligid. Maraming upuan at lamesa na pwedeng upuan ng maraming upuan. Wala pa maasyadong tao na nakain. Mataas na lugar ang pinuntahan naming kainan. Mula doon makikita ang buong lungsod ng Davao. Tapos ang ganda ng tanawin.


Nang nakapag-order na ako ng pagkain nagpasya ako maglakad muna kahit masakit na ang paa ko sa kakalakad din sa ibang pinuntahan namin. Meron kasi part doon na pwedeng paglakadan tapos pwede magpicture. Puros hagdan ang lalakran ganun pa man naglakad pa rin ako kasama ang isa ko pang pinsan. Malawak din ang nilakaran namin at mataas.
Dahill nilakad namin halos lahat, bumalik na rin kami. Pagbalik namin ay wala pa pagkain. Nagpicture muna ako at iniisa-isa ko ang pagpicture sa mga table ng mga kasama ko tapos ay umupo na ako at hinintay na ang mga pagkain. Maya-maya pa ay nagdatingan na ang pagkain. Halos seafood ang mga putaheng pinili namin. Ang pinili ko doon ay sweat and sour lapu-lapu. Ang ibang pagkain na iniorder nila ay inihaw, sinigang, may baboy at iba pa. Yung inumin halos mga fresh buko juice ang pinili at ako ang isa sa pumili. Yung iba naman ay mga fruit shake.
Pagkatapos kumain nagpicture muna kami doon sa may entrance ng kainan. Habang hinihintay na rin ang sasakyan. Dumating na rin ang sasakyan at nagsakayan na kami. Dumaretsyo na kami pauwi sa nirerentahan naming condo.
Nakakapagod ang paggagala pero enjoy naman. Ang sunod na blog ko, ang Davao City 3rd day. City tour naman kami dito.
Hanggang sa susunod na blog ko.
Salamat sa pagbabasa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento