May 1, 2023 nakahanda na mga bagahe at ibang gamit namin na dadalhin sa Davao City. Mula Lipa City pumuta na kami sa Tagaytay City. Kasi ang mgav kasamahan namin ay mga taga Tagaytay at kami lang taga Lipa. Mga family member lang din ang mga kasama namin papuntang davao.
Pagkapasok namin ng airport, pinila na namin ang mga bagahe na ichecheck-in. Pagkatapos namin macheck-in ng mga bagahe dumaretsyo na kami sa may x-ray area n airport tapos ay dumaretsyo na kami sa loob at naghanap ng mauupuan. Ang pagkakatanda ko ay mga 4 ng madaling araw pa ang flight namin kaya naghintay pa kami.
Habang naghihintay, ang ibang kasamahan namin ay nagutom at bumuli muna ng pagkain upang kainin habang naghihintay. Ako naman solve na ako sa tubig dahil hindi naman ako nagugutom pa pero noong dumating yung pagkain nakikitikim naman ako.Doon kami naghihintay sa may gate 6 noong dumating yung ibang kasama namin. Sinabi sa amin na sa may gate 9 dapat kami pumunta kasi ayun nakalagay sa boarding pass nila. Tiningnan namin ang boarding pass namin ngunit wala pa nakalagay kung anong gate dapat kami pupunta, dahil siguro ang aga namin nakarating ng airport at baka hindi pa nila alam anong gate ang dapat puntahan kaya walang nakalagay kung anong gate. Samantala yung mga kasamahan namin na bagong dating meron na nakasulat.
Pasadong higit mga 4 ng umaga nang kami ay sumakay ng eroplano. Sa pinaka likuran ng eroplano ang aking upuan. Ang sinakyan nga pa la namin na eroplano ay Philippine Airline. Naghintay pa kami ng ilang sandali at mamaya-maya pa ay nagtake off na ang eroplano na sinasakyan namin. Habang nasa kagagitnaan ng byahe may nagbibigay na ng pagkain. Ang pagkain na binigay ay isang maliit na balot ng biskwit tapos ang inumin ay tubig ang hiningi ko, pwede rin humingi ng kape. Maganda ang weather noong lumipad ang eroplanong sinasakyan namin kaya sa buong byahe hindi mauga ang eroplano. Kahit paano nakatulog din naman ako kahit saglit lang. Hindi naman ako nakatulog sa may airport. Nagising na ako noong may nagsalita na. Malapit na daw bumaba ang eroplanong sinasakyan namin kaya tuluyan na ako gumising at hinintay makababa ang eroplano.
Philippine Airline |
Paglapag ng eroplanong sinasakyan namin hinintay na lang namin ang announcement kung pwede na bumaba ng erolplano. Mamaya pa ay nagsalita na at pwede na daw lumabas ng eroplano. Nagsitayuan na ang mga tao sa loob ng eroplano samantala kami ay naghihintay na umunti ang mga tao sa loob ng eroplano. Umunti na ang mga tao sa loob ng eroplano at kaming mga mag-anak na lang natira at mga flight attendant. Dahil kami halos natira sa loob nagsitayuan na rin kami at kinuha na mga gamit namin. Nagsimula na rin kami maglakad palabas ng eroplano.
Dahil nga kasama namin si lolo, hindi niya pinalagpas na magpapicture sa isang flight attendant na babae doon sa loob ng eroplano. Naalala ko dati noong sumakay rin si lolo sa isang eroplano hindi rin niya pinalagpas magpapicture sa isang flight attendant na babae doon sa cebu.
Eto naman si ate hindi rin nagpahuli at nagpapicture din naman sa lalakeng flight attendant.
Davao City Airport |
pumunta muna ako sa restroom .Ang ibang kasamahan ko ay dumaretsyo na kinuha ang ibang gamit namin at ang iba ay umupo muna na naghihintay sa amin. Mamaya-maya pa ay nagkayayaan na lumabas ng airport dahil kumpleto na ang mga gamit namin.
Welcome to Davao City |
Ate Mar Kambingan |
Ate Mar Kambingan |
Dito kami kumain ng umagahan sa Ate Mar Kambingan. Halos mga putahe nila dito ay kambing. Hindi ko lang tanda kung ano mga tawag sa mga klaseng luto ng kambing nila. Bukod sa kambing may iba pa rin silang lutong putahe. Meron din silang pagkaing mga isda, gulay at iba pa.
Ate Mar Kambingan |
Ate Mar Kambingan |
Sa kabilang side makikita mo mga kalderong malake halos mga sabaw ang nandoon. Hindi ako makapili kung ano ang kakainin ko buti na lang ay pwedeng makatikim muna ng sabaw bago bumili. Napili ko yung kambing na parang sinigang ang pagkaluto.
Lahat ay nakapili ng kanya kanyang mga pagkain. Dahil ang iba ay may ibang ulam na pinili, nakikitikim ako kung ano ang lasa ng pagkain na pinili nila.
Pagkatapos namin kumain ay umalis na rin kami. Ang ibang kasamahan namin ay sumakay sa van na tututungo na sa condo kung saan titigilan namin ng ilang araw sa Davao. Samantala ako at ibang natira ay sumuukay ng ibang van tuutungo naman sa Samal Island. .
Davao City Port |
Umandar na ang sinasakyan naming van. Pumunta na kami sa Samal Ferry Wharf, Davao City Port, para sumakay ng barko papuntang Samal Island.
Pumasok na kami sa loob ng port at doon may naghihitay na barko na pwedeng sakyan ng mga tutungo sa Samal Island. Sa barkong sasakyan namin ay pwedeng sumakay ang mga iba't ibang sasakyan. Pagpasok ng sinasakyan naming van ay kaunti pa lamang ang mga sasakyan ang nasa loob.
Sabi ng driver ng sinasakyan namin ay pwede daw kami bumaba ng sasakyan kapag nakaparada na daw ang van. Kaya pagkaparada ng sasakayan ay agad kami bumaba ng sasakyan. Hindi pa naandar ang barkon noong bumaba kami ng sasakyan kasi nagpupuuno pa ng pasehero. Sinabihan kami nung driverr ng van na umakyat daw kami sa may 2nd floor ng barko at doon pwede maghintay.
Umakyat na kami sa 2nd floor ng barko at doon nakasabay namin ang ilang mga pasehero na pupunta rin sa Samal Island. Yung ibang paseherong nagbabyahe. Pag-akyat namin may mga upuan sa taas at may ilang tao na rin ang nandoon pero kunti lang ang nakaupo. Unang beses ko pa lang makasakay ng barko na naandar kasi dati nakasakay na ako sa barko ngunit hindi siya naandar. Sabi ng driver ng van 10 minutes daw ang gugugulin ng barko simula sa Davao City Port hanggang sa Samal island. Actually sabi nila magkakaroon daw ng tulay na duduktong from Davao City to Samal Island.
Mamaya-maya pa ay umandar na ang barko na sinasakyan namin. Inaasahan ko na maraming tao ang sasakya ngunit kunting tao ang nakaupo sa taas kung saan kami nakatigil din. Sumulip ako sa may baba ng barko at nakita ko na marami ang nakaparadang sasakyan. Isa sa nakita ko ay yung bus, hindi ko sure kung papasehero bus siya o hindi pero hindi na bumaba ang mga taong nandoon.
Sa pag-andar ng barko, akala ko mahihilo ako pero hindi pa la. Pero kapag tumingin ako sa may dagat sa baba na naagos sa gilid ng barko medyo ramdam ko ang hilo kaya hindi na ako tumitingin doon.
Samal Island |
Bago dumaong ang barko na sinasakyan namin sa Samal Island, kami ay nakaupo. Tinawagan agad kami nung driver ng van para makasakay agad sa van. Kasi kapag dumaong na yung barko, maglalabasan na ang mga sasakyan at malapit ang sinasakyan naming van sa labasan. Pagdaong ng barko binaba na yuung daanan ng sasakyan sa harap ng barko. Pagbaba nun sabay labas na ng mga sasakyan at tuloy na kami sa sunod na destinasyon namin.
Sa may batcave kami sunod na puputa pero bago kami nakarating doon tumigil muna kami sa isang daanan na may mga puno puno na magandang tigilan at doon kami nagpicturan muna.
Monfort Batcave Samal Island |
Monfort Batcave Samal Island |
Pumasok na kami sa may kubol sa pagpasok ay may mga iba't ibang souvenir silang tinda. Yung isang tinda nila ay yung may itsurang paniki na reff magnet. Mamaya-maya pa ay may dumating na tao na mag-oorienttation na sa loob.
Nagsimula na magsalita yung tao. nagsimula siya sa pagbati sa amin tapos deretsyong pinaliwanag tungkol sa mga paniki doon at sa mga kweba. Sabi niya ang tawag sa paniki sa lugar nila ay Rousete Fruit Bat. Prutas lang ang kinakain nila. Kung anong oras silang umalis sa kweba nila ganong oras din sila babalik. Isa sa lugar nila ang pinaka malaking colony ng rousette fruit bat and nakasulat eto sa Guinness World of Record. Matapos kami pinapunta na kami kung nasaan ang kweba. Bawal nga pa la pumasok sa loob ng kweba.
Dahil bawal nga pumasok sa loob ng kweba doon kami sa may labas, taas o gilid kung saan makikita ang mga kweba. Sa nakita naming mga kweba at pinaliwag rin kanina sa may kubol, sa bawat kweba ay may iba't ibang paniki. Ang isang kweba ay lungga ng mga paninki na magkasintahan o mag-asawa, ang isang kweba ay mga grupo ng mga bata pa o mga teeneger. Mas maingay ang kweba nila kapag nadaanan at may kweba ng matatandang paniki na, hindi ko napuntahan ang lugar ng kweba ng matatanda kasi ang baho na sa parte ng kwebang yun ngunit ang ibang kasamahan ko dumaretsyo pa rin. Bukot sa paniki nakakita rin kami ng parang butike na parang nanggagaya ng kulay. Maliit lang siya. Tapos ay bayawak na nakita namin sa pinaka ilalim ng kweba. Nagtago na ulit ang bayawak kaya hindi nakita ng ibang kasamahan namin. Pagkatapos namin galain ang lugar pumunta na ulit kami sa sasakyan pero bago kami tuluyan umalis, bumili muna ng sounenir ang ibang kasamahan namin. tapos ay umalis na rin kami.
Nagsabi yung driver ng van na kung pweden mag-island hopping muna kami dahil maganda pumunta sa dagat ng maaga pa dahil low tide pa. Kaya napagdisisyonan namin na mag-island hopping muna. Umandar na ang van na sinasakyan namin at umalis na kami. Mahaba-haba rin ang oras na pagpunta sa island hopping na pupuntahan namin. Kaya naman nakatulog na rin ako. Nagising na lang ako ng maramdaman ko na nauga ang sasakyan dahil medyo malubak ang daanan na dinadaanan ng van na sinasakyan namin. Maya-maya pa ay nandoon na kami. Parang nasa kabilang side kami ng Samal Island. Pagbaba namin lahat nagsibihis na ng pangswimming at handa na sumakay sa bangka. Yun bangka ay nasa dulo na hindi kalayuan kung saan nakaparada ang sinasakyan naming van.
Dahil handa na ang lahat pumunta na kami sa bangka, kung saan may naghihintay sa amin na mga lalake. Yung mga lalakeng iyon ang tumulong at nag-alalay sa amin sa pagsakay ng bangka. Noong nakasakay na ang lahat umandar na ang bangka ngunit, hindi pa nakakalayo ang bangka na sinasakyan namin ay bigla nagsalita ang isang kasama namin ang sabi niya na kung nasaan ang isang kasama namin. Pagtingin namin sa may pangpang nandoon siya, naiwan namin. Nagtawanan na lang kami dahil. Kaya bumalik ulit ang bangkang sinasakyan namin para sunduin yung kasma naming naiwan. Pagsakay ng naiwan naming kamasa nagpaliwanag siya na bumili muna siya ng makakain at inumin kaya siya hindi nakasakay agad ng bangka at naiwan. Pagkatapos ay umadar na ang bangka patungo sa aming unang pupuntahan. Hindi kami maiinitan dahil ang bangkang sinasakyan namin ay may bubong. Pero hindi naman mainit noong araw na iyon.
Unang pinuntahan namin ay yung parang bansang gawa sa kawayan na parang may bahay. Doon sa lugar na iyon ay may magsasalitang tao tungkol sa mga giant clams.
May hawak siyang salbabida na may lubid. Meron siyang salbabidang may lubid kasi para sa mga hindi marunong lumangoy. Pwede kami humawak sa salbabida na may lubid habang hinihila niya kami. Malalim na parte ang unang nilusungan namin.
Sa susunod pinuntahan namin ay isang isla na ang tawag ay Wishing Island. Makikita pa lang sa malayuan, isa siyang maliit na isla na napapaligiran ng dagat. Sabi nila pwedeng magdive o tumalon mula sa taas ng isla hanggang sa dagat. Kaso lang low tide pa noong pumunta kami. Kaya hindi namin nasubukan makatalon doon.
Habang papunta pa lang kami sa susunod na pupuntahan namin, more picture picture pa ulit sa bangka. Isa sa picture na iyon ay nasa dulong harapan bangka kami ng kambal ko nagpicture. Medyo nakakatakot doon sa dulo ng bangka pero enjoy naman. Hindi malakas ang alon kaya hindi rin masyado mauga ang bangka at hindi rin ako nahilo. Nandon lang kami sa harapan ng bangka hanggang sa makarating kami sa aming pupuntahan.
Mga aalas kwatro na yata ng hapon noong kami ay kakain. Dito kami kumain sa Farmer's V Resto & Grill. Nasa Samal Island pa rin kami na parte.. Hindi na kami nakagtanghalian kasi inuna na namin ang island hopping at saka wala naman kami makakainan doon sa pag-island hopping namin.
Nahirapan pa ako magvideo at magpicture dahil nasa dagat pero kahit paano ayos naman ang ibang nakuhanan ko. Dahil low tide pa sa oras na iyon, Pumunta kami sa may mababang parte ng dagat.
Pagpunta namin sa mababang parte ng dagat, merong parang nangangagat sa ilalim ng dagat. Nakita ng isa naming kasama may isda sa ilalim na nangangagat. Noong nakarating na kami sa mababang parte ng dagat, meron doong giant clams. Isa-isa kami nagpapicture sa likod ng giant clams. Sa likod n giant clams may batong may lubid na nakatale. Doon pwede humawak para makalubog habang nagpapapicture sa giant clams. Pagkatapos ng lahat magpapicture, pumunta na ulit kami sa malalim na parte ng dagat pabalik na ulit sa pinaggalingan namin. Sa pagbalik namin umahon na ako ngunit yung ibang kasamahan namin ay nag-eenjoy pa lumangoy. Pero maya-maya pa ay nagkayayaan na makapunta sa sunod na pupuntahan. Kaya nagsiahon na rin ang ibang kasamahan namin.
Hindi naman kalayuan ang sunod na pupuntahan namin. Habang nakasakay sa bangka, ang ibang kasamahan namin ay kumain muna ng baon nilang mga snacks.
Tumiil na yung sinasakyan naming bangk sa tapat ng isla. Inaayos nung isang lalake ang babaan na hagdan at doon kami bababa mula sa bangka. Noong maayos na ang hagdan bumaba na kami doon. Pagbaba ng bangka mababa lang ang tubig ng dagat, wala pa sa tuhod ko ang taas. Pagbaba lahat ng kasamahan namin nagpicturan na kami sa may baba ng isla, pagkatapos ay umakyat na kami. Medyo maingat kami sapag-akyat kasi medyo matarik at mabato. Nagpicturan na kami na kami pagdating sa taas. Isa pinagpicturan namin ay yung may pangalan ng wishing Island. Tapos pumunta kami sa isang side ng island kung saan maganda ang view.. Medyo nagtagal din kami magpicturan doon. Matapos ang lahat magpicturan bumaba na kami at sa ibang daan kami bumaba. Doon kami bumaba sa kweba. Ang hagdan lamang doon ay kawayan. Lahat kami doon bumaba. Isa-isa kami bumaba doon na may kasamang pag-iingat dahil baka madulas.. Nang nakababa na ang lahat, dumaretsyo na kami sumakay ng bangka. Bago kami sumakay ng bangka napansin namin na tumaas yung tubig. Kasi noong una pagbaba namin hanggang baba ng tuhod ko tapos noong bago sumakay ng bangka hanggang baba ng bewang ko k na siya. Pagsakay ng lahat umandar na ang bangka para pumunta sa susunod na pupuntahan namin.
Isa sa nadaanan namin ay etong resort na ito. Ang resort na eto ay pamamay-ari ng isang artista. Ang laki neto. Bukod sa gitna ng dagat meron siyang kaduktong na resort sa kabilang lugar. Meron din kami nadaanan na mga nakatigil na bangka at mga lumalangoy kagaya naming mga torista doon.
Pagdating doon tumigil na ang bangka. Nagsibabaan na kami. Yung lugar na tinigilan namin ay malapit sa resort na tinutukoy ko kanina. Pagbaba namin ng bangka, mababaw lang ang tinatayuan naming dagat. Hangang may bewang ko lang ang taas. Nagsilanguyan na kami doon. May nakita pa kami sa ilalim na kakaibang nagapang sa ilalim ng dagat. Habang nagsisilanguyan kami, merong nagyaya magbanana boat.
Unang beses ko magbanana boat. Pero yung ibang kasama namin nakaranas na sumakay doon. Nagtanong ang kasama ko kung pwedeng makasakay ng banana boat. Ang sinabi noong pinagtanongan parang hindi yata available ang banana boat pero merong dragon boat naman Pumayag naman ang lahat ng sasakay na ang sasakyan ay dragon boat na lang. Medyo naghintay pa kami ng matagal bago dumating yung sasakyan naming dragon boat. Hindi rin nagtagal dumating narin ang taong naka jetski at hila-hila ang dragon boat ngunit bumalik ulit sila sa pinanggalingan nila dahil wala silang dalang lifevest. Nakabalik na ulit sila na may dalang lifevest. Nagsuot muna kami ng lifevest tapos sabay sakay na sa dragon boat. Nakahanda na ang lahat kami at maya-maya pa ay umadar na ang jetski tapos hihilahin na ang sinasakyan naming dragon boat. Ang sayang nakakatakot ang pakiramdam ko habang naandar ang dragon boat. Nagtagal din kami na hinihila ng jetski. Grabe yung tubig tumatalsik sa mukha namin mula sa likod ng jetski na habang umaandar. Umiikot-ikot at kung saang saan kami nakakareating at maya-maya pa ay binibilisan na ang paghila ng jettski at hindi natagal ay natumba na kami at nahulog lahat kami mula sa dragon boat. Noong nahulog kami doon na kami sa malalim parte ng dagat. Nagsitingianan lahat kami kung kompleto pa lahat. Binalikan kami ng may hilang dragon boat. Mahirap na umakyat sa dragon boat kasi nasa malalim na dagat kami nakatigil. Kasi noong unang pag-akyat namin ay nakatungtong pa kami sa mababaw na parte ng dagat kaya madali umakyat. Ang ibang kasmahan namin ay nagpatulong umakyat doon sa taong naka jetski. Malakas din yung humihila sa mga kasamahan ko na aakyat sa dragon boat kasi isang kasamahan naming malaki ay nahila niya paakyat g dragon boat. Nakasakay na lahat ng kasama ko ngunit ako hindi pa at naiwan. Ang malala pa ay napalayo na ako sa kanila sinusubukan ko lumangoy papunta sa kanila ngunit napagod na ako. Buti na lang ay may sumundo sa aking tao. Pagdating ko sa dragon boat may lakas naman ako makaakyat ng dragon boat kaya hindi ko na kailnagan magpatulong umakyat. Dahil napagod na ako sa paglangoy at medyo natakot ako kasi malalim din ang binaksakan naming dagat umayaw na ako. Kaya bumalik na ulit kami sa may bangka at ako ay bumaba na. Pagbaba ko ay dumaretsyo na sila sa pag-andar. Tinangal ko narin ang lifevest ko at sumakay na sa bangka. Nagtagaltagal din ang pagsakay ng dragon boat nila. Nakita na lang namin sa kabilang dagat ay nahulog na sila sa dragon boat. Napansin namin na parang nagtagal ang pagsakay ng dragon boat nila. Maya maya pa ay umandar na ulit sila. Umikot lang yata sila tapos ay bumalik na sa lugar namin. Pagdating nila ay sumalubong ako. Pagbaba ko ng bangka malalim na pa la. Tumaas na ulit ang dagat at hanggang leeg ko na ang lalim. Kahit hanggang leeg ang lalim sinalubong ko pa rin ang mga kasamahan namin na nakasakay sa dragon boat. Pagkatapos ay nagsisakayan na kami ng bangka at uamalis na rin kami.
Bumalik na rin ang bangka sa pinaggalingan namin. Tapos na ang island hopping. Pagdating nagsibabaan na kami ng bangka. Nagbanla na kami. Kaming mga lalake ay nagbanlaw na lang sa labas kasi gamit ng mga babae ang mga banyo. Pwede daw namin gamitin ang tubig na nasa tab. Kaya ayun na ang pinangbanlaw naming mga lalake. Meron naman doong bihisan kaya pagkatapos namin magbanlaw doon na kami nagpalit ng mga damit namin. Tapos na kami magbanlaw at inayos na mga basang damit namin. Nasa van na kami at ang iba ay hinihintay pa namin makatapos magbanlaw. Hinihintay na lang namin na makompleto kame , kasama na yung sa kabilang van. Noong kumoleto na kami nagsialisan na kami.
Farmer's V Resto & Grill |
Nagbigay na ng menu ang waiter doon. Hindi na ako pumili ng pagkain at bahala na sila sa pagpili ng pagkain. Sigurado naman ako na kakainin ko rin naman ang kanilang ioorder na pakain. Ang pinili nilang pagkain ay lutong isda, hipon, sisig, kalamares at may sabaw, nakalimutan ko na kung anong tawag sa sabaw na yun, basta maanghang siya. Gusto ko naman ang lasa nung sabaw ngunit hindi ako masyado mahilig sa sobrang maanghang. Pagkaorder naghintay na kami maluto ang mga pagkain. Hindi rin nagtagal ay isa-isa na inihain ang mga pagkain. Sinimulan na namin ang kainan. Dahil gutom na yata walang nag-iimikan at puros kain ng kain lang kami. Ang tanging mapapakinggan ay mga kobyertos, mga plato at mga baso. Yung ibang kasmahan namin ay nakailang kanin ang binubulos. Pagkatapos kumain, ang lahat ay busok na busog na at nagpahinga na ng unti. Sa totoo lang may take out pa kami. Matapos magpahinga dumaretsyo na kami sa van para makapunta na ulit sa huling pupuntahan namin.
Dito kami huling pumunta. Kita ang magandang view ng dagat. Hindi ko tanda ang tawag doon sa lugar na iyon. Sa dagat na yun na may isla ay doon kami galing at nag island hopping. Nagpicturan muna kami doon tapos umupo ng saglit at nagkwentohan. Pagkatapos ay umalis na rin kami.
Kung unang sakay namin kanina ay kunti lang ang sasakyan sa loob na nakaparada. Noong gabing iyon parang ang daming nakasakay na sasakyan. Kami lang ng kambal ko ang bumaba ng sasakyan. Tiningnan namin ang labas kung ano itsura kapag gabi. Umakyat rin kami sa 2nd floor ng barko. Sa pagkakataong iyon mas ramdam ang pag-ibo ng barko. Kaya kapag akyat ng barko at pagbaba ay todo ingat kami. Kita ko ang tubig na mataas kaysa noong una naming sakay papuntang Samal Island. Ang tahimik ng gabing iyon ang maririnig lamang ay tunog ng barko at tumatamang tubig sa barko. Medyo nakakatakot din kasi feeling ko ang bigat nung dala ng barko at dahil siguro kita ko ang tubig na mataas din. Maya-maya pa ay malapit na kami sa Davao port at sa pagkakataong iyon ay nakasakay na rin kami ng van. Nakadaong na ang barko at pwede na lumabas. Isa-.isa na lumabas ang mga sasakyan at huli yata ang sinasakayan naming van na lumabas. Pagkalabas ng port dumaretsyo na kami sa condo para magpahinga.
Sunod na blog "Davao City- Bukidnon- 2nd day"
Salamat sa pagbabasa ng aking blog sana ay nagustuhan ninyo
Hanggang sa muli paalam.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento