Leticia's II Diversion Batangas City Batangas Philippines

                  Leticia's II Diversion R. Tan Bldg, Diversion Road, Bolbok, Batangas City, 4200 Batangas https://maps.app.goo.gl/cpr9PYfRPij8Rk8t5

Ayun nga naghanap kami ng makakain ng luch sa may lugar ng Batangas City at doon kami nagdisisyon kumain sa  Leticia's II Pancinteria kasi gusto na rin namin tikman ang mga putahe doon at lalo na yung pancit. ang mismong lokasyon ng kainan ay R. Tan Bldg, Diversion Road, Bolbok, Batangas City, 4200 Batangas. 

 

Maliit lang yung place kaya maliit lang din ang parking area at buti na lang ay may napagpark pa kami. Kaunti lang din pa yung mga tao doon sa loob kaya nakaupo na rin kami agad. 








Pagkaupo namin ay tiningnan na namin ang menu na binigay sa amin ng stuff doon. Tiningnan namin  ang mga pagkain at mga drink nasa menu at pumili na rin kami ng anong kakainin namin. Ang pipiliin ko sana ay yung chicken barbique nila kaso lang out of stuck na sila, kaya inihaw na liempo yata na lang ang pinili ko. Tapos ang ibang pinili ng kasama ko ay sisig, tortang talong,  pork barbique, chicken and fries, bumili rin kami ng chicharon na nakabalot at higit sa lahat ay yung pancit nila. Hindi na ako nagsasabi kung masarap ba yung ini order namin o hindi sa mga ganitong post. Para akin bahala na yung magbabasa kung pupunta ba sila sa pinuntahan naming etong inopost ko.  


Meron akong mga youtube video ng pagpunta namin sa Leticia's II Diversion:

Youtube:




May mga picture din ako sa facebook eto yung link:


Salamat sa pag basa ng blog ko,
Ako Si Fedik Nagsasabi "Tingnan Ang Ngiti Ng Kagandahan"
Hanggang sa muli.




Walang komento:

Minor Basilica and National Shrine of St Lorenzo Ruiz ( Binondo Church) Metro Manila.

Minor Basilica and National Shrine of St. Lorenzo Ruiz  (Binondo Manila)  Nagkayayaan pumunta sa may part ng Metro Manila sa lugar ng Binond...